• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nazario sampa sa propesyonal

UMANGAT ang coaching career ni De La Salle University Green Archers coach Gian Nazario dahil sa ginanap na balasahan ng isang team sa Philippine Basketball Association (PBA) nang italaga silang isa sa dalawang bagong assistant coach ng Terrafirma nito lang isang araw.

 

 

Isinama siya sa bagong nirolyong coaching staff sa ilalim ni coach Johnedel Cardel.

 

 

Ang isa pang kasama ay si ex-professional player star Ronald Tubid na huling nagsuot ng uniporme ng San Miguel Beer.

 

 

Kapalitan nina Tubid at Nazario sina Hubert Delos Santos at Arthur Dela Cruz.

 

 

Nagsilbi rin si Nazario na bench tactician ng La Salle Green Archers sa 82nd University Athletic Asociation of the Philippines (UAAP) 2019-2020.

 

 

Bagama’t may raket man sa pambansang liga, mananatili pa rin siyang assistant coach ng Taft-based dribblers kasama ang humalili sa kanyang coach na si Frederick ‘Derrick’ Pumaren. (REC)

Other News
  • Palasyo pinuna ang pagkakamali sa pangangasiwa

    Mismong ang Malacañang na ang pumuna sa maling sistema na ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapauwi sa mga locally stranded individuals (lsiS) na pansamantalang nanantili sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bulag siya kung sasabihing walang makikitang pagkakamali sa sistema.   Ayon kay Sec. Roque, hindi nasunod ng […]

  • PBBM, nais na gawing ‘perpektong turismo’ ang Pinas, entertainment destination

    COMMITTED si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang Pilipinas bilang ‘premier destination’ para sa turismo, relaxation, at entertainment, na naka-ayon sa pananaw ng Bagong Pilipinas.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Solaire Resort North sa Bagong Pag-asa, Quezon City, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na nakagawa ng ‘impressive recovery’ ang […]

  • Pinto ng NBA open pa rin pala para kay Sotto

    BUKAS pa rin ang pinto ng National Basketball Association (NBA) kay prospect Kai Zachary Sotto.     Pananaw ito ng beteranong basketball columnist/analyst na si Homer Sayson na nakabase sa Estados Unidos.     Ito ay kaugnay sa sinapit ng 18-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom, na hindi na nakabalik sa Ignite Team sa 20th NBA […]