• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Palasyo pinuna ang pagkakamali sa pangangasiwa

Mismong ang Malacañang na ang pumuna sa maling sistema na ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapauwi sa mga locally stranded individuals (lsiS) na pansamantalang nanantili sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bulag siya kung sasabihing walang makikitang pagkakamali sa sistema.

 

Ayon kay Sec. Roque, hindi nasunod ng mga LSIs ang health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH) gaya physical o social distancing para makaiwas sa COVID-19.

 

Pero inihayag ni Sec. Roque na naiintindihan naman ng Malacañang na atat nang makauwi sa kani-kanilang mga probinsya ang mga LSIs.

 

“Bulag naman ako kung sasabihin kong walang pagkakamali doon. Meron pong pagkakamali don. Dapat po nagkaroon ng sistema na bagamat maraming tao doon sa Rizal Memorial Coliseum, dapat siniguro ang social distancing,” ani Sec. Roque.

 

Idinagdag ni Sec. Roque kakausapin na lamang niya si “Hatid Tulong” program lead convenor at Presidential Management Staff (PMS) Assistant Sec. Joseph Encabo na gawin na lamang regional ang pagpapauwi sa mga LSIs para maiiwasan ang pagdagsa ng nila at masusunod ang physicial distancing. (Daris Jose)

Other News
  • Bal David nag resign bilang coach ng Growling Tigers

    Nagbitiw na bilang coach ng University of Santo Tomas Growling Tigers si Bal David.   Kasunod ito sa iisa lamang ang panalo ng Growling Tigers at 13 talo noong nakaraang UAAP Season 85 na siyang unang pagkakataon na maging head coach.   Papalit sa kaniyang puwesto si assistant coach Rodney Santos.   Ang 50 anyos […]

  • Mayor Tiangco: Covid-free pa rin ang Navotas

    SA kabila ng mga tsismis na naglipana online, tiniyak ni Mayor Toby Tiangco sa mga residente ng Navotas na wala pa ring kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID19) sa lungsod.   Nilinaw ni Tiangco na ang lungsod ay may 13 na persons under monitoring (PUM) sa ngayon, 11 March, at lahat sila ay sumasailalim […]

  • WNBL, NBL mga propesyonal na

    KAPWA mga propesyonal na liga na ang Women’s National Basketball League (WNBL) at National Basketball League (NBL) nang bendisyunan ng Games and Amusement Board (GAB) nitong Miyerkoles.   Dahil rito, ang WNBL ang magiging unang women’s pro basketball league sa bansa, naunahan pa ang matagal nang plano ng Philippine Basketball Association (PBA).   Nasa pitong […]