NBA ipinagmalaki na walang dinapuan ng COVID-19 sa All-Star games
- Published on March 10, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinagmalaki ng NBA na wala silang naitalang anumang nadapuan ng COVID-19 pagkatapos ng NBA ALL-STAR GAME.
Kasunod ito sa pangamba ng ilang manlalaro na pinangungunahan ni LeBron James na maaring dumami ang kaso ng COVID-19 dahil sa All-star games.
Ayon sa NBA na mahigpit nilang ipinatupad ang pagsasailalim sa tatlong beses na testing ang mga manlalaro, coaches at mga opisyal na nanood sa Atlanta.
Dahil rin sa protocols na ipinatupad ay hindi na pinaglaro sina 76ers star Joel Embiid at Ben Simmons matapos na na-exposed sila sa taong nagpositibo sa virus.
Magugunitang nagpahayag ang ilang manlalaro ng pagkabahala na magiging daan pa ang All-Star games kapag ito ay itinuloy.
-
Mahigit P1 bilyong piso sa educational aid, naipamahagi na
PUMALO na sa mahigit P1 bilyong piso ang naipamigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga indigent learners. May kabuuang P1,033,610,800 na education assistance ang naipamahagi sa bansa mula Agosto 20 hanggang Setyembre 17, 2022. Tinatayang may 414,482 estudyante ang nakinabang mula sa programa kabilang na ang 136,349 […]
-
Pagdiriwang ng ika-22nd Cityhood Anniversary ng Malabon, pinangunahan ni Mayor Jeannie
PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagdiriwang ng ika-22nd mula nang maging isang highly urbanized na lungsod ang Malabon sa pamamagitan ng mga programa, mga aktibidad at pagpaparangal para sa mga empleyado nito sa City Hall na naglingkod nang mahigit 10 hanggang 40 taon. Inorganisa ng mga opisyal ng Lungsod ng Malabon ang Gabi […]
-
DOTr, pagmumultahin ang mga lalabag sa ‘no vax, no ride’ policy
PAGMUMULTAHIN ng Department of Transportation (DOTr) line agencies ang mga drivers at operators ng public utility vehicles (PUVs) kapag napatunayang lumabag sa “no vaccination, no ride policy” sa National Capital Region (NCR), simula araw ng Martes. Sa Viber message, sinabi ni DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na ang mga traffic enforcers mula […]