NBA ipinagmalaki na walang dinapuan ng COVID-19 sa All-Star games
- Published on March 10, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinagmalaki ng NBA na wala silang naitalang anumang nadapuan ng COVID-19 pagkatapos ng NBA ALL-STAR GAME.
Kasunod ito sa pangamba ng ilang manlalaro na pinangungunahan ni LeBron James na maaring dumami ang kaso ng COVID-19 dahil sa All-star games.
Ayon sa NBA na mahigpit nilang ipinatupad ang pagsasailalim sa tatlong beses na testing ang mga manlalaro, coaches at mga opisyal na nanood sa Atlanta.
Dahil rin sa protocols na ipinatupad ay hindi na pinaglaro sina 76ers star Joel Embiid at Ben Simmons matapos na na-exposed sila sa taong nagpositibo sa virus.
Magugunitang nagpahayag ang ilang manlalaro ng pagkabahala na magiging daan pa ang All-Star games kapag ito ay itinuloy.
-
Kelot itinumba sa Malabon
ISANG lalaki na hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang namatay matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Jerome Josue, 27 ng 64 Damson St. […]
-
Food imports, target na subsidiya para pagaanin ang inflation sa Pinas
SINABI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang food importation para dagdagan ang suplay at targeted subsidies sa mga “most vulnerable sectors” ay makapagpapagaan sa mataas na global inflation na lumigwak na sa Pilipinas. “We have a comprehensive set of interventions to effectively balance the need to sustain growth momentum while containing […]
-
Mga dayuhan na may long-term visa, papayagan nang pumasok ng Phl simula Agosto 1
Simula sa unang araw ng Agosto ay papayagan na ng Inter-Agency Task Force na pumasok sa bansa ang mga foreign nationals na mayroong long-term visa. Ibig sabihin nito ay hindi makakapasok ang mga indibidwal na bago pa lamang ang visa. Ito ay bilang isa sa mga hakbang ng gobyerno upang muling buhayin ang […]