• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBA legend Michael Jordan nagbigay ng $2-M donasyon para sa mga walang makain sa US

Nagbigay ng $2 million na donasyon si NBA legend Michael Jordan para mapakain ang mga mahihirap sa US.

 

Ayon sa relief outfit na Feeding America, na hindi nagdalawang isip ang dating Chicago Bulls star na magbigay ng nasabing halaga.

 

Sinabi naman ni 14-time NBA All-Star, na mahalaga ang magbigay ng tulong lalo na sa mga naapektuhan dahil sa COVID19 pandemic.

 

Sinasabing naging maganda ang timing ng donasyon ni Jordan dahil umaabot na sa 54 million na mga Americans ang walang makain.

 

Noong Abril ay nangako ang US Department of Agriculture na maglalaan ng $1.7 billion para tulungan ang mga food banks dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nagugutom.

Other News
  • ‘Biggest attendance pero dapat dumami pa’

    DINUMOG ng mga tagasuporta ni presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo, Linggo, ang Lungsod ng Pasig sa pinakamalaki nilang rally — gayunpaman, hinihikayat ng ikalawang pangulo na lalo pang abutin ang mas marami sa susunod na mga pagtitipon.     Aabot sa 80,000 hanggang 137,000 ang dumalo sa PasigLaban rally noong Linggo, Marso 20 […]

  • MGA DAYUHAN NA MAY EXEMPTION DOCUMENTS, MAY HANGGANG MAY 31 UPANG MAGAMIT

    INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa June 1 ay hindi na papayagan na makapasok sa bansa ang mga dayuhan na may ipapakitang entry exemption documents (EED) na inisyu ng Department of Foreign Afffairs (DFA) na may petsa hanggang February 8.     Paliwanag ni Morente na ipapatupad nila ang nasabing travel guidelines […]

  • China, pinapayagan ang Pinas na magpadala ng tropa sa Ayungin Shoal

    SINABI ng China Coast Guard na gumawa ito ng “temporary special arrangements” upang makapagpadala ang Pilipinas ng tropa nito sa grounded World War II-era vessel sa pinagtatalunang katubigan.     Napaulat na nag-deploy ang Chinese coastguard ng kanilang vessels para pigilan ang misyon ng Pilipinas na mag-suplay ng tropa sa BRP Sierra Madre, na naging […]