‘NBA nalugi ng $8.3-B dahil sa COVID pandemic’
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
UMAABOT umano sa 10 porsyento o katumbas ng $8.3 billion ang ikinalugi ng NBA para sa 2019-2020 season dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.
Sa naturang halaga kabilang umano sa dahilan nang pagsadsad sa kita ng NBA ay mula sa gate receipts na umaabot ng $800 million bunsod nang kawalan ng mga fans sa mga laro.
Gayundin nasa $400 million ang nawala sa mga sponsorships at merchandise.
Lumutang din ang malaking pagkalugi ng NBA na umaabot sa $200 million nang i-ban ng China ang panonood ng laro sa kanilang mga telebisyon matapos na suportahan ng dating general manager ng Houston Rocket na si Daryl Morey ang Hong Kong freedom.
Samantala sa katatapos lamang na NBA bubble sa Orlando, Florida, sinasabing kahit papaano raw ay medyo nakabawi ang liga nang kumita na umaabot sa $1.5 billion sa revenue.
Kung hindi aniya natuloy ang NBA bubble ito rin ang dagdag na matinding kalugian na malaki ang epekto sa operasyon ng mga teams at sweldo ng mga players. (REC)
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 22) Story by Geraldine Monzon
NABUHAYAN ng loob si Bernard nang muling makatanggap ng pag-asa tungkol kay Bela mula kay Marcelo. Pero nagdesisyon siyang huwag na lang muna itong ipaalam kay Angela. Si Angela naman ay nawiwili na sa pakikipaglapit kay Janine. Ikinuwento niya sa dalaga ang buong love story nila ni Bernard habang sabay silang nagkakape sa hardin. […]
-
Ads February 16, 2021
-
3-araw tigil-pasada ikinasa uli ng Manibela
NAGKASANG muli ng tatlong araw na tigil-pasada ang transport group na Manibela sa susunod na linggo. Nabatid na isasagawa ng grupo ang transport strike mula Hunyo 10 hanggang 12 bilang protesta sa isinasagawang paghuli sa mga public utility jeepneys (PUJs) na hindi nakapag-consolidate ng prangkisa sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization […]