NBA TARGET ANG MULING PAGBABALIK SA DEC. 22
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
UNTI-UNTI nang inilalatag ng NBA ang pagsisimula ng kanilang 2020-2021 season sa pamamagitan nang pagbubukas sa Dec. 22 ng taong kasalukuyan.
Ang naturang impormasyon ay ipinaabot na rin ng liga sa mga Board of Governors.
Sinasabing magkakaroon ng 72-games kung saan mauuna ang mga laro, tatlong araw bago ang kapaskuan.
Gayunman kailangan pa rin daw na ikumpirma ang petsa dahil sa kokunsultahin din ang National Basketball Players Association.
Kung maalala kamakailan lamang ay namayani ang Los Angeles Lakers sa championship game kontra sa Miami Heat sa pamamagitan ng isinagawang NBA bubble sa Florida.
-
DINGDONG, nasorpresa at kanyang team sa ginawang pagbati ni STEVE HARVEY
NASOPRESA ang Family Feud Philippines host na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at ang kanyang game show team nang batiin sila ng American host ng US version nito, na si Steve Harvey. “Mabuhay Philippines, this is Steve Harvey. Look, I wanna congratulate Family Feud Philippines on GMA Network. Family Feud is now […]
-
Djokovic umatras na sa paglahok sa ATP Cup
Umatras na si tennis star Novak Djokovic sa pagsali sa 2022 ATP Cup sa Sydney. Kinumpirma ito ng organizer ng nasabing torneo kung saan ang Team Serbia ngayon ay pangungunahan na ni world number 33 Dusan Lajovic. Maraming tennis fans naman ang nanghinala sa vaccination status ng 34-anyos na Serbian tennis […]
-
Sec. Roque, walang ideya kung mag-State Visit ang Pangulo sa ilalim ng liderato ni US President-elect Joe Biden
WALANG ideya si Presidential spokesperson Harry Roque kung may plano si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bisitahin ang Estados Unidos sa ilalim ng liderato ni President-elect (Joe) Biden bago matapos ang termino nito sa 2022. “Wala po akong nalalaman ‘no at siyempre po iyan naman po ay sang-ayon din sa magiging imbitasyon nitong si […]