• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBI kumikilos na vs mga nagpapakalat ng ‘No Bakuna, No Ayuda’ sa social media – Abalos

Binalaan ni MMDA chairman Benhur Abalos ang mga nagpapakalat sa social media na hindi makakatanggap ng ayuda ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19.

 

 

Ayon kay Abalos, iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga aniya’y nanggugulo lang sa harap ng pagsisikap ng pamahalaan na makatulong sa mga residenteng apektado ng COVID-19 pandemic.

 

 

Ang mga hindi makabuluhan at walang katuturan na “fake news” na ito ang siyang dahilan kung bakit nagkakagulo aniya ang mga tao para makahabol sa pagpapabakuna kontra COVID-19.

 

 

Kaninang madaling araw, nagdagsa ang maraming residente ng ng Maynila sa iba’t ibang vaccination sites ng lungsod para humabol sa pagpapabakuna bago ang magsimula ang ECQ sa National Capital Region bukas, Agosto 6, hanggang sa ika-20 ng buwan.

 

 

Kaya naman alas-3:00 pa lang ng umaga ay naabot na ang 2,500 cut off sa mga vaccination sites na dinagsa ng maraming tao, dahilan para itigil na ang pagtanggap ng walk-in vaccinees.

 

 

Sa pagtaya ng Manila Police, aabot ng hanggang 5,000 ang taong pinauwi kanina. (Gene Adsuara)

Other News
  • Navotas, namahagi ng mga gamit sa pampublikong paaralan

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ng iba’t ibang kagamitan para sa mga pampublikong paaralan, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Navotas Teachers’ Day.       Ang Navotas National Science High School, Filemon T. Lizan Senior High School, at Angeles National High School ay nakatanggap ng mga desktop […]

  • Final guidelines para sa 2022 polls, ilalabas sa 4Q ng 2021 – Comelec

    Ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) sa huling quarter ng 2021 ang final guidelines para sa 2022 national elections.     Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, binabalangkas pa nila ang mga guidelines na ihahanay sa umiiral na sitwasyon ng COVID-19 pandemic, na inaasahang tatagal pa hanggang sa halalan.     “Ongoing pa yung aming […]

  • Garma umeskapo sa Pinas, arestado sa US

    HINARANG ng mga awtoridad sa Amerika si da­ting Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gene­ral manager at retired police Colonel Royina Garma.   Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na noong Nobyembre 10 sakay ng PR 104 flight patungo sa San Francisco sa Amerika si Garma.   Kasama […]