• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBI, mag-iimbestiga na rin sa PDEA-PNP ‘misencounter’ – DoJ

GAGAWA  na rin ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa nangyari umanong “misencounter” ng mga operatiba ng Quezon City Police District at Philippine Drug Enforcement Agency sa Commonwealth, Quezon City kahapon.

 

 

Kasunod ito ng kautusan ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magsagawa ng  “parallel investigation”  ang NBI na naganap na engkwentro na  nagresulta ng pagkamatay ng tatlong indibidwal kasama ang dalawang pulis at isang PDEA agent.

 

 

Layon umano ng imbestigasyon na matukoy  ang tunay na nangyari, lalo’t nagdulot ng kalituhan at mga katunungan ang engkwentro.

 

 

Nilinaw naman ng Kalihim na ang imbestigasyon ng NBI ay hiwalay pa sa pagsisiyasat na gagawin ng ad hoc joint PNP-PDEA Board of Inquiry, na naunang inanunsyo ni PNP Chief Debold Sinas.

 

 

Sa  pahayag ng PDEA, lehitimo ang operasyon ng kanilang mga ahente at katunayan ay may dokumento  ng koordinasyon na nagpapatunay na magsasagawa ng operasyon sa Commonwealth .

 

 

Sa panig naman ng mga pulis, ang QCPD-District Special Operations Unit ay mayroong buybust operations sa lugar ngunit mga taga-PDEA raw pala ang kanilang naka-transaksyon. (GENE ADSUARA)

Other News
  • ‘Maria Clara at Ibarra’, finalist sa entertainment category ng 2023 New York Festivals TV & Film Awards

    MUKHANG magiging busy year ang 2023 para kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.       Bukod kasi sa pagiging host ng two top-rating shows sa GMA Network, ang daily game show na“Family Feud” at ang informative show na “Amazing Earth” every Saturday  balitang inihahanda na rin ng GMA Public Affairs’ film, ang “Fireply,”     […]

  • Skyway 3 libre ang toll sa loob ng 1 buwan

    Ang mga motorista na dadaan sa 18-kilometer Skyway Stage 3 ay walang babayaran na toll sa loob ng isang buwan na gagawin para sa soft opening nito.   Ayon kay San Miguel Corp. (SMC) president at chief operating officer Ramon Ang, ang SMC ay naglaan ng apat (4) na lanes ng expressway kung saan maaaring […]

  • “No Vaccine, No Work Policy”, hindi ipipilit

    WALANG balak ang Malakanyang na ipagpilitan sa publiko ang “No Vaccine, No Work Policy” na una nang inilutang ng ilang mga kumpanya.   Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexei Nograles sa ginanap na 53rd cabinet meeting nila na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nila ipipilit ang nasabing polisiya pero nananawagan ang pamahalaan […]