NBI pinakikilos vs international fraud syndicate na nambibiktima ng OFWs
- Published on December 9, 2022
- by @peoplesbalita
KINALAMPAG ng isang consumer group ang National Bureau of Investigation (NBI) para maaksyunan ang pambibiktima ng mga internasyunal na sindikato sa bank fraud na bumibiktima ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at maging mga lokal na empleyado sa bansa.
Ayon sa Action for Consumerism and Transparency in Nation Building (ACTNB), target umano ng sindikato na ito ang mga bank accounts ng OFWs at mga lokal na empleyado lalo na at panahon na ng pagpapadala ng mga remittance at tanggapan ng 13th month bonus.
Naniniwala ang ACTNB na ngayong buwan ng Disyembre pinakamatinding sasalakay ang mga sindikato sa kanilang malawakang scams dahil sa 2023 ay mahihirapan na itong isagawa bunsod ng pagpapatupad ng SIM Card Registration Act.
“It is a now or never situation for them and this is why we see the recent rise in unabated SMS scams, which we feel will lead to getting people OTPs and consequently access to the victims’ bank accounts,” ayon sa ACTNB.
Umaasa ang ACTNB na sa gagawing aksiyon ng NBI ay hindi na muling mauulit ang nangyari noong nakalipas na taon kung saan maraming nabiktima ang masasamang elemento. (Daris Jose)
Other News
-
Deltacron binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center matapos na ma-detect sa Amerika at Europa
Binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center ang bagong variant ng COVID-19 na Deltacron. Ito ay matapos na mapaulat na kumpirmadong na-detect ito sa 17 mga pasyente mula sa Amerika at Europa. Ang Deltacron ay taglay ang magkahalong katangian ng Delta at Omicron variant ng COVID-19. Sa ngayon ay naghihintay […]
-
Ads September 23, 2021
-
Iligal na pinutol na mga troso, nasabat sa isang operasyon sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Nasabat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang 33 piraso ng mga pinutol na iligal na troso sa isang operasyon na pinangunahan ng Provincial Anti-Illegal Logging Task Force (PAILTF) sa Sitio Balikiran, Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan noong Nobyembre 18, 2021. […]