• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCAA desididong magbukas sa Marso 5

DESIDIDO  ang NCAA Management Committee na masimulan ang Season 97 ng liga sa Marso 5.

 

 

Nasa Alert Level 3 ang buong National Capital Region (NCR) hanggang sa pagtatapos ng Enero kaya’t natigil ang lahat ng training ng contact sports kabilang na ang basketball at volleyball.

 

 

Kaya naman sumulat ang pamunuan ng liga sa Commission on Higher Education (CHED) at Inter-Agency Task Force (IATF) para mabigyan ng exemption ang varsity teams na makapagsanay.

 

 

Hinihintay pa ng NCAA ang magiging sagot ng CHED na siyang mag-eendorso ng kanilang kahilingan sa IATF.

 

 

Sa oras na makakuha ng go signal, agad na tutulak sa ensayo ang mga teams para paghandaan ang pagbubukas ng liga sa Marso.

 

 

Nabigyan ng clearance ang mga student-athletes na makapagsanay sa isang bubble setup noon pang Disyembre habang nasa ilalim pa ng mas maluwag na Alert Level 2 ang Metro Manila.

 

 

Subalit naging malaking pasakit ang paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa sa pagpasok ng Enero kung saan umabot na sa record-breaking 34,000 ang mga nagkakasakit kada-araw.

 

 

Kaya naman umaasa ang buong sports community na muling bumaba ang kaso ng COVID-19 upang makabalik sa mas mababang alert level ang NCR.

 

 

Ito lang ang tanging paraan para maging maluwag sa restriksiyon ang CHED at IATF.

 

 

Maging ang professional leagues gaya ng PBA ay puwersadong ihinto ang liga at training para masiguro ang kaligtasan ng mga players, coaches at officials.

Other News
  • P81-M halaga ng shabu nasabat sa Valenzuela, 3 kalaboso

    UMAABOT sa P81 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.     Kinilala ang naarestong mga suspek bilang sina Algie Mengote Labenia, 43 ng 9th Street, Brgy. Amsic, Angeles, Pampanga, Nolan Sarsalito Julia, […]

  • Ads December 2, 2023

  • Iloilo City inilagay sa MECQ simula Sept. 25 hanggang Oct. 9 – IATF

    INANUNSIYO ng Malacañang ang paglagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod ng Iloilo.   Sinabi ni Presidential spokesper- son Harry Roque na magsisimula sa Setyembre 25 o nitong araw ng Biyernes hanggang Oktubre 9 ang MECQ.   Nauna nang ikinokonsidera ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang pagsasailalim sa modified general community quarantine […]