• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR, 4 pang lalawigan, inilagay sa GCQ with heightened restrictions – IATF

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula ngayong araw, July 23, 2021 hanggang July 31, 2021.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maliban sa NCR, isinailalim din sa GCQ with heightened restrictions ang mga lalawigan ng Ilocos Norte at Ilocos Sur na dati ng nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

 

 

Mula naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), ang Davao de Oro at Davao del Norte ay inilagay na sa GCQ with heightened restrictions simula July 23, 2021 hanggang July 31, 2021.

 

 

“As these areas will be placed under GCQ with heightened restrictions, children five years old and above will not be allowed to go to outdoor areas, as provided for under IATF Resolution No. 125 (s.2021),” ani Sec. Roque.

 

 

Samantala, muling ipinagbawal  na lumabas  ang mga batang 5-taong gulang pataas dahil sa umiiral na “GCQ  with heightened restrictions sa Metro Manila at 4 pang probinsya. (Daris Jose)

Other News
  • Ilang US Olympic gymnasts binatikos ang FBI sa pagbalewala sa reklamo na sexual harrasment

    Binatikos nina US Olympic gymnasts Mckayla Maroney at Simone Biles ang FBI at Justice Department dahil sa hindi nila pinaniwalaan ang kanilang sumbong na sexual harrasment laban sa dating coach na si Larry Nassar.     Sa ginawang pagdinig sa Senate Judiciary Committee sinabi ng dalawang atleta na hinayaan ng mga otoridad na maging malaya […]

  • Aktibidad sa buwan ng pag-iwas sa sunog, handa ang Bulacan PDRRMO

    LUNGSOD NG MALOLOS – Handa na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pag-obserba sa Buwan ng Pag-Iwas sa Sunog ngayong Marso na may temang “MATUTO KA! Sunog Iwasan Na!”.   Magsisimula ang nasabing kampanya kontra sunog sa pamamagitan ng sabayang motorcade sa tatlong siyudad […]

  • PUNONG BARANGAY, PUWEDENG MAGDEKLARA NG LOCKDOWN

    BINIGYAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang kapangyarihan ng mga Punong Barangay sa lungsod na magdeklara ng “lockdown” sa kani-kanilang nasasakupang lugar sakaling tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.       Sa ilalim ng Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Domagoso, maaaring magdeklara ng lockdown sa kanilang lugar ang isang Punong […]