NCR at 6 na lugar, mananatili sa ilalim ng GCQ
- Published on October 29, 2020
- by @peoplesbalita
MANANATILI sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City at Lanao del Sur.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang taped message para sa bagong quarantine classification para sa Nobyembre 1 hanggang 30.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga panukalang proposed community quarantine classifications ay nananatiling ‘subject to appeal’ mula sa concerned local government units.
Nauna rito, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pupulungin ni Pangulong Duterte sa Davao City ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para talakayin ito.
Aniya, rerepasuhin ng IATF ang rekomendasyon ng mga mayor ng Metro Manila na panatiliin sa GCQ ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng taon.
Umiiral ang GCQ sa NCR mula pa noong Hunyo.
Samantala, mas marami nang negosyo at establisimyemento ang pinayagang mabuksan bilang bahagi ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya. (Daris Jose)
-
Ads December 11, 2024
-
Sa harap ni PBBM: Veteran journalist na si Jay Ruiz, nanumpa na bilang bagong hepe ng PCO
OPISYAL nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Veteran journalist na si Jay Ruiz bilang bagong Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO). Pinalitan ni Ruiz si dating PCO Acting Secretary Cesar Chavez na nagbitiw sa tungkulin matapos aminin na nagkulang siya sa kung ano ang dapat asahan sa kanya. Nagsumite si Chavez ng […]
-
Pinas, dapat maging handa sa gitna ng mga napaulat na external threats-PBBM
DAPAT na maging handa ang Pilipinas sa gitna ng napaulat na external threats bilang resulta ng umiigting na geopolitical tension sa Indo-Pacific. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng 5th ID ng Philippine Army sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela, ang distansiya ng Pilipinas sa Taiwan ang […]