• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Task Force rerepasuhin ang transport distancing

Bukas ang pamahalaan sa isang dialogue tungkol sa kanilang desisyon na bawasan ang physical distancing requirement sa mga public transportation na kung saan sinabi ng mga medical health experts na maaaring maging sanhi ng pagdami ng coronavirus infections.

 

Dahil sa kagustuhan muling buksan ang ekonomiya sa pamamagitan ng maraming available modes ng public transportation, hindi ibig sabihin na hindi na bibigyan ng pansin ang concerns ng health experts.

 

 

“We won’t be able to reopen the economy if we don’t increase our transportation. But of course we won’t play deaf to the opinions of our medical frontliners,” wika ni presidential spokesman Harry Roque.

 

Ayon kay Roque paguusapan ang issue ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

Ang physical distancing requirement sa mass transport ay hindi na hinigpitan simula pa noong Lunes sapagkat inaasahan na mas marami na ang mga tao ang papasok sa kanilng mga trabaho

 

Ayon sa Department Of Transportation (DOTr) ang one-meter physical distancing ay puede ng ibaba ng  0.75 m at .5 meters at hanggang .3 meters upang magkaron ng optimization ng ridership. It ay dahil na rin sa strict protocols na ginagawa  upang maiwasan ang pagkalat ng COVID19 dahil sa paggamit ng mandatory face masks at face shields.

 

Samantala, ang mga doctors ay nag naglabas ng kanilang concerns dahil sa issue na ito at nagbigay sila ng babala sa mga commuters na magkaron ng one-meter distance sa mga pasahero.

 

Sinabi ni Roque na pinayagan ng IATF ang relaxed distancing requirement noong nakaraang Huwebes subalit hindi pa na ito nabibigay kay President Duterte.

 

“When it was approved, nobody objected because I was present in that meeting. So the objections came after it was announced by DOTr,” dagdag ni Roque.

 

Ayon sa kanya ang desisyon ng DOTr na magkaron ng relaxed na physical distancing sa mga public transportation ay dahil sa kagustuhan na rin ng mga tao.

 

“The request came from the public because we are already opening our economy. There is a need for individuals to be able to get to work,” ayon naman kay DOTr undersecretary Artemio Tuazon Jr.

 

Ayon kay Tuazon inutusan ni DOTr Secretary Tugade ang iba’t ibang sectors sa public transportation upang pag-aralan ang relaxed na social distancing na siya naman ginamit na batayan ng proposal ng IATF.  (LASACMAR)

Other News
  • Hijab, taqiyah pinapayagan sa PhilSys Step 2 process

    MAAARI nang tumuloy ang mga Muslim Filipinos sa Step 2 biometrics capturing process ng Philippine Identification System (PhilSys) kahit hindi alisin ang kanilang traditional head coverings.     Ang Hijab ay isang belo o takip ng ulo na isinusuot ng maraming babaeng Muslim sa buong mundo bilang isang gawa ng kahinhinan, at isang relihiyosong kasanayan […]

  • Abueva, Banchero palitan patas – Victolero, Robinson

    PASOK si Calvin Abueva sa small-ball rotation ng Magnolia Hotshots, may back-ap na si Matthew Wright sa Phoenix Super LPG sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa parating na Abril 9.     Pasado sa pro league trade committee ang swap kamakalawa na naghatid sa The Beast sa Pambansang Manok buhat sa […]

  • Mga empleyadong magpapabakuna sa 3 day national vaccination event, hindi mamarkahan ng absent

    HINDI mamarkahan ng “absent” ang mga empleyado na magpapabakuna laban sa Covid-19 sa isasagawang 3-day national vaccination event sa Nov. 29-Dec. 1.   Kailangan lamang na magpakita ng “proof of inoculation” ang mga empleyadong magpapabakuna laban sa nasabing virus.   Tinintahan kasi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang kautusan na nagsasaad na ang mga […]