NCR at Davao City, mananatili sa ilalim ng GCQ; CAR at 6 na iba pa, isinailalim din sa GCQ para sa buong buwan ng Pebrero- Sec. Roque
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
MANANATILI sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) classification ang National Capital Region (NCR) at Davao City simula sa darating na Lunes, Pebrero 1 hanggang Pebrero 28, 2021.
Bukod sa NCR at Davao City ay isinailalim din sa GCQ ang mga lalawigan ng Batangas at Cordillera Administrative Region na kinabibilangan ng Abra, Apayao, Benguet, Baguio City, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province para sa Luzon; Tacloban City para sa Visayas; Davao del Norte, Lanao del Sur at Iligan City para sa Mindanao.
Ang Santiago City, Ormoc City, at iba pang lugar ay isinailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
“Binigyan na po tayo ng pahintulot ng ating Presidente para ianunsyo ang quarantine classifications mula mula February 1 hanggang 28 ng taong ito. The abovementioned risk-level classifications will take effect starting Monday, February 1 until February 28, 2021,” ayon kay Sec. Roque.
“Uulitin ko po, nasa ilalim po ng GCQ ang mga sumusunod: ang NCR, ang CAR, kasama ang Abra, Apayao, Benguet, Baguio, Ifugao, Calinga, Mountain province; ang Batangas province, ang tacloban City, ang davao city, ang davao del norte, ang lana del sur, at ang iligan city. lahat po ng iba pang lugar sa Pilipinas ay mapapasailalim sa modified general community quarantine,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
-
The Game is On: Tune Squad, Ready to Join LeBron James in Space Jam: A New Legacy
NEW trailer alert for Warner Bros. Pictures’ Space Jam: A New Legacy. LeBron James and the Tune Squad only have one shot to win the highest stakes game of their lives. Watch them battle it out on the court against the Goon Squad in the new animated/live-action event this 2021. […]
-
Austria gagawing mandatory na ang COVID-19 vaccination
PLANO ng Austria na gawing compulsary ang COVID-19 vaccination. Dahil dito ay magiging kauna-unahang bansa sa Europa ang Austria na gawing mandatory ang pagpapabakuna na magsisimula sa buwan ng Pebrero. Sinabi ni Chancellor Karl Nehammer na ang hindi magpapabakuna ay mahaharap ang mga ito ng mabigat na kaparusahan. Aabot […]
-
“Fast X” Will speed Its Way in Philippine Cinemas on May 17
“Fast X”, the tenth film in the Fast & Furious Saga’s two-part conclusion, launches the final chapters of one of cinema’s most storied and popular global franchises, now in its third decade and still going strong with the same core cast and characters as when it began. Over many missions and against impossible […]