• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, hindi na kayang bumalik sa “stricter quarantine levels” – Sec. Roque

HINDI na kayang bumalik ng Pilipinas sa “stricter quarantine levels” sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases.

 

Sa Metro Manila, nakapagtala ito ng 1,025 new daily cases sa nakalipas na 7 araw, tumaas ng 42% mula sa nakalipas na linggo at 130% kumpara sa nakalipas na 2 linggo, ayon sa OCTA Research group.

 

Ang impeksyon ay mabilis na kumakalat kumpara noong “July-August surge,” ng nakalipas na taon, nang ang national capital region (NCR) ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ), itinuturing na third strictest ng 4 lockdown levels.

 

At nang tanungin si Sec. Roque kung ang Metro Manila ay ibabalik sa ECQ, ang naging sagot ni Sec. Roque ay “For the month of March, I don’t think it is called for.”

 

“About 65 percent of isolation beds and 75 percent of ward beds are available, ” ani Sec. Roque.

 

“Sabihin na nating dumami ang kaso pero nakikita naman natin, handa tayong gamutin iyong mga seryosong magkakasakit, na 2 to 3 percent ng mga magkakasakit,” aniya pa rin.

 

Sa ulat, ipinag-utos sa mga lokal na pamahalaan na palakasin ang contact-tracing, facility-based quarantine at localized lockdowns sa mga lugar na may case clustering.

 

“Sa totoo lang po, hindi na po natin kaya na mag-lock down ng ating ekonomiya. Napakadami na pong nagugutom. So ang ating panawagan: Pangalagaan po natin ang ating mga sarili para tayo po ay makapag-hanapbuhay,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

 

Sa mag-iisang taon na quarantine sa bansa ay napatigil nito ang pagkalat ng COVID-19, naging dahilan naman para labis na mahirapan ang mga negosyante at milyong filipino ang nawalan ng trabaho.

 

“Tingin ko, this surge is actually due to a drop in compliance which we can fix, and also, an increase in the mobility. Dyan natin kailangan ibalanse,” ang pahayag naman ni dating Health secretary Manuel Dayrit.

 

“Minimum health standards plus accelerated vaccination, I think, is the way to go,” aniya pa rin.

Other News
  • Football star Cristiano Ronaldo nabasag ang all-time FIFA record career goal

    NAGTALA ng all-time FIFA record si Manchester United superstar Cristiano Ronaldo matapos maitala nito ang kaniyang 806th career goal sa Old Trafford.     Dahil dito ay nabasag nito ang all-time record para sa most goals sa competitive matches sa kasaysayan ng men’s football.     Ito ang pangalawa sa tatlong goals ng Portuguese attacker […]

  • Resources para sa South Commuter Railway Project, gagamitin ng maayos; ima-maximize- PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na gagamitin ng maayos ng gobyerno  ang bawat resources para sa  South Commuter Railway Project .     “With the signing of these packages, we demonstrate to our people that we are serious about pursuing large projects for infrastructure to foster growth and revitalize our economy, in […]

  • IRR para sa amnestiya sa mga dating rebelde, kulang pa rin ng pirma

    HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maipalabas ng gobyerno ang implementing rules and regulations (IRR) ng amnesty proclamations para sa mga dating rebelde dahil nananatiling kulang ng pirma mula sa mga kinauukulang opisyal ng gabinete ang dokumento.     Sinabi ng National Amnesty Commission (NAC) na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang pirma nina […]