• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR ayuda distribution, pumalo na sa 70.29% – Año

SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na naipamahagi na ang P7.9 bilyong piso mula sa P11.25 bilyong pisong ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) recipients sa National Capital Region (NCR).

 

Ani Año, ang naipamahaging ayuda ay may katumbas na 70.29% ng ayuda allocation sa low-income individuals sa Kalakhang Maynila.

 

Ang Kalakhang Maynila ay inilagay sa ilalm ng ECQ, itinuturing na “strictest health protocol”, mula Agosto 6 hanggang 20 para mapabagal ang paghawa ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) Delta variant na sinasabing mapanganib na kumalat sa buong bansa sa mga nakalipas na linggo.

 

Dahil sa economic concerns, ang Kalakhang Maynila ay kalaunang inilagay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 21 hanggang 31 gaya ng Laguna habang ang Bataan naman ay nasa ilalim din ng kahalintulad na restriksyon mula Agosto 23 hanggang 31.

 

Sa kabilang dako, sinabi pa ng Kalihim na hanggang ngayon ay wala pa ring update ukol sa ayuda distribution sa Bataan at Laguna na isinailalim din sa ECQ noong nakalipas na 2 linggo.

 

Ang bawat low-income individual sa ECQ hit areas ng NCR, Bataan at Laguna ay binigyan ng P1,000 cash aid habang maximum financial assistance naman na P4,000 sa bawat pamilya.

 

Ngayon naman at nasa ilalim na ng MECQ ang NCR, Bataan at Laguna ay marami pa ring mahihirap na pamilyang filipino ang nananawagan sa pamahalaan na magbigay ng karagdagang ayuda lalo pa’t hndi naman lahat ng negosyo ay nagbugs.

 

Tikom naman ang bibig ni Año kung ibibigay pa rin ang ayuda sa mga qualified recipients sa MECQ areas lalo pa’t operational na ang ilang negosyo. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas, nakakuha ng ₱9-B loan mula France

    NAKAKUHA ang Pilipinas ng  €150-million o mahigit  na ₱9 billion policy-based loan mula  France para idagdag at gamitin sa  “climate change mitigation at adaptation.” Sinabi ng  French Development Agency (AFD) na nagsagawa ito ng ceremonial exchange of documents sa Department of Finance sa loan na tinintahan noong nakaraang Disyembre  29, 2022. Naglalayon itong tulungan ang […]

  • Pinoy na nagsabing mahirap, bahagyang bumaba

    BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pinoy na ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap, batay sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) sa unang bahagi ng Disyembre 2023.     Sa nasabing survey, 47% umano sa mga respondents ang nagsabi na sila ay mahirap o tinatayang 13.0 milyong self-rated poor families.     […]

  • Marcos Jr., kailangan ang kooperasyon at tulong ng lahat

    UMAPELA si outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na tanggapin ang resulta ng May 9 polls dahil kakailanganin ng mga incoming leaders lalo na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kooperasyon at tulong ng mga ito para matiyak ang tagumpay ng bansa.     “President-elect Marcos would need the cooperation and help […]