NCR, Bulacan, Batangas, Tacloban at Bacolod nasa GCQ – PRRD
- Published on September 2, 2020
- by @peoplesbalita
Mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula Septembre 1-30.
Ito mismo ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Kabilang na nasa ilalim ng GCQ ang mga probinsiya ng Bulacan, Batangas at lungsod ng Tacloban at Bacolod.
Habang nasa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa Iligan City at ang natitirang bahagi ng bansa ay mananatili sa modified general community quarantine (MGCQ).
Dagdag pa ng pangulo na hanggang wala pang bakuna laban sa coronavirus ay dapat sundin pa rin ng mga mamamayan ang ipinapatupad na health protocols gaya ng physical distancing, paghuhugas ng kamay at pagsuot ng face mask.
-
YASSER, binulaga ang mga beki sa kanyang latest sexy pictorial MAY bagong makakalaban na sa pagpapa-sexy at pagiging pantasya ng mga beki sina Derrick Monasterio, David Licauco, Paul Salas at Ruru Madrid
Binulaga ni Yasser Marta ang mga beki sa social media nung i-post nito ang kanyang latest sexy pictorial. Topless si Yasser kaya marami ang nagnasa sa mabalahibo niyang dibdib na abot hanggang sa kanyang abs. Simple lang ang caption ni Yasser na: “Ride with me.” Kaya may kakompetensya na sina Derrick, […]
-
DOTr pinalawig ang free rides sa mga health workers, APORs
Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang malawakang pagpapatupad ng pagbibigay ng libreng sakay sa lahat ng health workers at authorized persons outside of residence (APORs). Inutusan ni Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin ang programa hindi lamang sa Metro Manila kung hindi pati na […]
-
PNP may sinusunod na ‘formula’ sa pagtala ng crowd estimate sa mga campaign rally
AMINADO ang Philippine National Police (PNP) na hindi nagtutugma ang kanilang crowd estimate sa mga organizer ng campaign rally. Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, may ginagamit na ibang guidelines o formula ang PNP sa bilang ng mga tao sa mga venue. Paliwanag ni Carlos, 2 persons per square […]