NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mananatili sa ECQ hanggang Abril 4, 2021.
- Published on March 31, 2021
- by @peoplesbalita
MANANATILI sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) classification ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang Abril 4, 2021.
Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi na ang Santiago City ay isinailalim niya sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Abril 1 hanggang Abril 30, 2021; habang ang Quirino Province ay isinailalim din niya sa MECQ mula Abril 1 hanggang Abril 15, 2021.
Para sa Luzon, ang buong Cordillera Administrative Region (CAR); Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya sa Region II; at Batangas ay nasa ilalim naman sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang Abril 30, 2021.
At nasa ilalim naman ng GCQ para sa buong buwan ng Abril ay ang Tacloban City para sa Visayas; at Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur para sa Mindanao.
Ang lahat ng iba pang lugar ay isasailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) para sa buong buwan ng Abril. (Daris Jose)
-
Tsinoy na ayaw magbayad ng hotel bills, nagwala sa Quezon City, hinabol hanggang Maynila
Isang Tsinoy na hindi na nagbayad ng kanyang hotel bills at nagwala pa , ang naaresto ng mga awtoridad sa isang hot pursuit operation na nagmula sa Quezon City at umabot pa sa Maynila, kahapon ng umaga. Nakilalang ang nadakip na si Arvin Chua Tan, 46, ng New Manila, Quezon City, na kasalukuyan […]
-
2 arestado sa sugal at shabu sa Valenzuela
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki matapos maaktuhan ng pulisya na naglalaro ng ilegal na sugal at makuhanan pa ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Sa report ni PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador DesturaJr., habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Dalandanan Sub-Station 6 […]
-
Kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan na may kinalaman sa 4Ps: DSWD, magbubukas ng mga tanggapan sa weekends
HANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbukas ng kanilang mga tanggapan sa mga araw ng Sabado at Linggo, kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan ng indibidwal at pamilya na nagnanais na maging bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang […]