• May 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR, lifted na ang general curfew simula November 4

SIMULA Nobyembre 4 ay ‘lifted’ na ang general curfew sa National Capital Region (NCR).

 

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos na may ilang local government units ang mananatiling ipatutupad ang curfew para sa mga menor de edad.

 

“Pumayag ang mga mayors na i-lift ang curfew this starting November 4 ,” ayon kay Abalos.

 

“However, meron silang mga curfew on minors. So ‘yun, existing pa rin ‘yun,” dagdag na pahayag nito.

 

Simula, Oktubre 13, ang curfew sa Kalakhang Maynila ay itinakda simula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

 

Nauna rito, sinabi ni Abalos na pumayag ang mga mall operators na palawigin ang kanilang operating hours dahil sa paparating na holiday season subalit ang alalahanin lamang ng mga ito ay ang curfew at ang limitadong public transport.

 

Ipinanukala ni Abalos ang ekstensyon ng mall hours dahil ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA ay tumaas na maaaring maging daan para sa mas mabigat na daloy ng trapiko.

 

Para sa limited capacity sa public transport, sinabi ni Abalos na ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ay pinalawig na ito ng 70%.

 

Ang Alert Level 3 na kasalukuyang nakataas ngayon sa Metro Manila ay pinalawig mula Nobyembre 1 hanggang 14.

 

Sa ilalim ng Alert Level 3, may ilang establisimyento kabilang na ang restaurants, gyms, cinemas at movie houses — ay papayagan na mag-operate ng 30% indoor venue capacity para lamang sa fully vaccinated individuals at 50% outdoor venue capacity, kaikangan lamang na ang kahat ng empleyado ay fully vaccinated. (Daris Jose)

Other News
  • Kitang-kita na ini-enjoy nila ang buhay may asawa: MATTEO, labis ang pasasalamat sa ‘loving wife’ na si SARAH at sa kanyang pamilya

    SA kanyang IG birthday post, pinasalamatan ni Matteo Guidicelli ang kanyang asawa na si Sarah Geronimo, pati na ang pamilya at mga kaibigan.     Caption ni Matteo sa photos na kung nagho-horseback riding sila ni Sarah, “Every year gets better and better! Thank you to my loving wife and my family for all the […]

  • Pagunsan, Delos Santos Que lalagare pa sa JPG

    SAMA-SAMANG humataw sina Juvic Pagunsan, Angelo at at Justin Delos Santos sa pagsambulat ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 ninth leg, ¥100M (P44.7M) 61st The Crowns sa Wago Course ng Nagoya Golf Club sa Nagoya City, Aichi Prefecture nitong Huwebes, Abril 29.     Makikipagrambulan ang tatlong bala ng ‘Pinas sa titulo kaharap ang 102 […]

  • 31% ng mga Pinoy, naniniwalang lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon – survey

    NANINIWALA ang nasa 31% ng mga Pilipino na lumala pa ang kalidad ng pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan o isang taon.     Base ito sa lumabas na survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula noong Hunyo 26 hanggang 29 sa 1,500 adults, tig-300 respondents mula sa Metro Manila, Visayas, atMindanao, at […]