• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR may ‘community transmission’ na ng Delta variant

May nagaganap nang ‘community transmission’ ng Delta va­riant sa National Capital Region (NCR) base sa mga bagong datos, ayon sa OCTA Research.

“We understand ang Department of Health, sila ang official body, kino-confirm nila ito through genome sequencing. We’re an independent group, (and) we can say based on statistics, based on sampling, yung nakita nating Delta variant cases, tumataas na sa 25 percent. Dati, nasa 15 percent,” ayon kay OCTA fellow Prof. Guido David.

Base dito, maaaring may 300 bagong kaso ng Delta variant na sumusulpot na kada araw sa NCR.

“Kung 300 cases per day, masasabi natin talagang merong community transmission. In the interest of safety, kahit wala pang confirmation na community transmission, it’s better to assume na merong community transmission para magdoble ingat tayo,” katwiran naman ni David sa kanilang pagpapalabas ng babala sa publiko.

Sa pinakahuling datos ng DOH noong nakaraang Miyerkules, nasa 216 kaso na ng Delta variant ang natukoy sa bansa at 16 na lamang ang aktibo, walo ang nasawi at 192 ang ganap na nakarekober.

Idinagdag pa ni David na ang Delta variant na ang huling balakid na kailangang lusutan ng Pilipinas ngayong taon. Kapag mas marami na ang nabakunahan at nalagpasan ang Delta variant, inaasahan ang mas masayang mga buwan na darating matapos nito. (Daris Jose)

Other News
  • JOYCE, sinorpresa ni JUANCHO ng isang drive-by baby shower

    SINORPRESA si Joyce Pring ng kanyang mister na si Juancho Trivino ng isang drive-by baby shower.     Dahil sa pandemya, hindi puwede ang magkaroon ng bisita sa baby shower at ginagawa na lang ito online. Pero nakaisip so Juancho at mga kaibigan ni Joyce ng paraan para maging happy ang soon-to-be-mommy.     Naisip […]

  • Hirit sa Kongreso na P2 bilyong pisong supplemental budget para sa DoH

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na hindi naman ipagdaramot ng Kongreso ang hirit ng Department of Health na dalawang bilyong pisong supplemental budget para sa patuloy na pagtugon ng gobyerno sa banta ng COVID-19.   Nauna rito ay umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa liderato ng kongreso na aprubahan ang supplemental budget sa panahong ito […]

  • Pinas, France magsisimula nang mag-usap ukol sa VFA ngayong Mayo – envoy

    MAGSISIMULA na sa susunod na buwan ng Mayo ang negosasyon sa pagitan ng France at Pilipinas para sa posibleng Visiting Forces Agreement (VFA), mapahihintulutan nito ang French forces na magsanay kasama ang kanilang Filipino counterparts. Sinabi ni Ambassador Marie Fontanel na ang defense committee meeting sa pagitan ng dalawang bansa ay idaraos sa Paris sa […]