NCR nasa COVID-19 Alert Level 4 na
- Published on September 9, 2021
- by @peoplesbalita
Isinailalim sa COVID-19 Alert Level 4 ang buong National Capital Region (NCR), maliban na lamang sa lungsod ng Maynila, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit at hospitalisasyon sa rehiyon.
“All areas except the City of Manila are classified as Alert Level 4. The Delta variant of concern had been detected across all areas in the National Capital Region,” pagkumpirma kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ayon kay Vergeire, ang NCR ay nakapagtala rin ng positive 2-week growth rate, high-risk average daily attack rate (ADAR) at high-risk case classification.
“The regional health systems capacity is at high-risk with ICU utilization at 74 percent,” dagdag pa niya.
Ang Quezon City ay nakapagtala ng aktibong kaso na 7,800 kasunod ang Maynila, 5,005; Caloocan City, 3,826; Pasig City, 3,561 at Makati City, 3,529.
Sa Maynila, bagama’t mataas din ang naitalang mga bagong kaso, ay itinaas lamang ito sa Alert Level 3, dahil ang bed utilization rate nito ay nasa 65.47% lamang at ang ICU utilization rate ay nasa 61.75%.
Ayon sa DOH, ang Alert Level 4 ay itinataas sa isang lugar kung umabot na sa 70% pataas ang hospital bed capacity at nasa ilalim ng moderate hanggang critical risk. Ang Alert Level 3 ay nasa moderate hanggang critical risk at hindi pa umaabot sa mahigit 70% ang ICU utilization rate.
-
Gaerlan, itinalaga ni PBBM bilang AFP deputy chief of staff
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Marine commandant Major General Charlton Sean Gaerlan bilang deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ang pangatlong pinakamataas na opisyal sa militar. Pormal namang naupo si Gaerlan sa kanyang posisyon sa AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo […]
-
Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City, MECQ na sa Aug.16 – Aug. 22 – IATF
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na luwagan ang quarantine classification ng Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro City mula sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) papuntang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula August 16 hanggang August 31, 2021. Ang National Capital Region (NCR) ay mananatili naman […]
-
Facebook followers ni GABBI, pumalo na sa higit 12 million; proud ang fans sa bagong milestone
MARAMI ang nagulat nang bigla na lang nawala ang laman ng Instagram account ng Kapuso actor na si Ruru Madrid. Ayon naman pala, magkakaroon ito ng isang transformation. At dito rin pinakita ni Ruru ang kanyang leaner physique. Ang transformation ni Ruru ay kasama sa paghahanda niya sa upcoming Kapuso primetime […]