• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR, palalakasin ang telemedicine para maiwasan na mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagbulusok ng COVID-19 —Abalos

SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na pinalalakas ang telemedicine sa Kalakhang Maynila upang hindi mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections.

 

 

Paliwanag ni Abalos, hindi lahat ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay ay kailangang i-confined sa mga ospital at medical facilities.

 

 

“Once sa triage naman, na-assess, hindi naman lahat dapat i-ospital eh. Kaya nga importante on the ground, pinapalakas po namin ‘yung sa local government, ‘yung telemedicine. Napakaimportante po nito. Tatawagan mo, kamusta na, anong sintomas, oxygen level,” ani Abalos.

 

 

“Mahirap ma-overwhelm naman ang ating ospital. Dapat ang ating ospital ay doon lamang talaga sa mga nangangailangan nang husto,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Upang mas lalo pang mapigilan ang pagkalat ng virus sa Kalakhang Maynila, inatasan ng Metro Manila Council ang mga unvaccinated residents na manatili sa kanilang bahay maliban kung bibili ng pagkain at serbisyo habang ang National Capital Region ay nasa ilalim ng Alert Level 3.

 

 

Ang NCR ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nangakong lilikha ng ‘enabling environment’ para sa PH research

    MULING inulit ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang kanyang pangako na lilikha ng “enabling environment” para sa  research sa bansa pamamagitan ng pagsusulong na makalikha ng “local virology institute and disease prevention and control center.”     Bahagi ito ng pahayag ni Pangulong Marcos sa  kanyang naging pagdalo sa 15th Philippine National Health Research System […]

  • DOTr: Completion ng Edsa Busway malapit na

    Dumating na ang karagdagang concrete barriers upang gagamitin sa EDSA Busway na ilalagay sa dedicated na lane para sa mga buses.   Simula noong July 18 ay nagsimula ng magdatingan ang mga concrete barriers na ilalagay sa inner lane ng EDSA upang mas maging mabilis ang travel time ng mga commuters.   “The continuous development […]

  • Tuluyang ipinag-bawal na ang videoke sa Navotas hanggang Hulyo 2021

    ITO ang sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kasabay ng kanyang kahilingan sa City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Clint Geronimo na gawing “urgent for consideration” ang ordinansang magbabawal sa videoke at malakas na pagpapatugtog hanggang sa kalagitnaan ng 2021 o habang may online classes.   Nakasaad sa liham ni Tiangco sa Konseho […]