• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR Plus bubble, posibleng isailalim sa GCQ- Sec. Roque

MAAARING ilipat sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat na kalapit- lalawigan na mas kilala bilang “NCR Plus bubble” matapos ang Mayo 14, 2021.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa “formula,” gaya ng health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number, posible na isailalim sa GCQ ang NCR Plus bubble.

 

Ani Sec. Roque, ang health care utilization sa Metro Manila ay ibinaba sa “moderate risk” category, ang attack rate ay nababawasan at ang reproduction number ay “less than 1” na.

 

Magkagayon pa man, nananatiling nakasalalay sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pinal na desisyon.

 

“I will not second-guess the IATF but pursuant to the formula, it is possible. Again the final decision rests with the IATF,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ang importante ay makamit ang total health kasi kung iiwasan natin ang sakit sa COVID, o mamamatay sa COVID, mas marami ang possibleng maghirap dahil sa kahirapan habang tayo ay nakasarado ang ekonomiya,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi pa niya na nakatakdang magpulong ang IATF para sa bagong quarantine classifications sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Bulacan, at Laguna, na kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Mayo 14.

 

Tiniyak ni Sec. Roque, na ia-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bagong quarantine classifications bago dumating ang Mayo 15.

Other News
  • SANYA, pinakamaraming followers na Kapuso star sa TikTok na umabot na ng 10 milyon

    DAHIL sa kakaibang karisma at kasikatan ngayon ni Sanya Lopez na kilala na rin bilang Yaya Melody ng ‘First Yaya’, umabot na nga sa 10 million ang followers ng seksing aktres sa patok na social media platform na TikTok.     Sa ngayon si Sanya na ang Kapuso star na may pinakamaraming followers sa TikTok! […]

  • BAGONG MODUS OPERANDI NG MGA RECRUITERS, NABUKING NG BI

    NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang ilang biktima ng human trafficking na patungo sa United Arab Emirates (UAE) na binigyan ng pekeng intinerary ng kanilang recruiters.     Sa ulat ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) in Manila and Pampanga kay BI Commissioner Jaime Morente , ibinunyag nila ang bagong modus operandi ng […]

  • Matindi ang pinagdaanan nang madagdagan ang timbang: ALFRED, umamin na bumaba talaga ang self-esteem at nag-iba ang buhay

    BILANG isang mahusay na aktres, meron pa bang role o papel na nais gampanan si Glydel Mercado na hindi pa niya nagagawa sa buong showbiz career niya?     “Actually yes, siguro yung pagkakaroon ng Schizophrenia!     “Gusto ko yung magagawa ko yung iba’t-ibang kinds of roles, na magagawa mo kasi puwede mong i-detach […]