• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR Plus nasa GCQ pa rin simula Hulyo

Muling palalawigin ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila at ilang probinsyang katabi nito sa susunod na buwan habang patuloy na nananalasa ang coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

 

 

Inanunsyo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga rekomendasyon para sa panibagong quarantine classifications sa lingguhang Talk to the People Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes.

 

 

Epektibo ang mga bagong klasipikasyon simula ika-1 hanggang ika-31 ng Hulyo.

 

 

Kaugnay ng nasabing anunsyo, ilalagay sa GCQ ang:

 

  • Metro Manila, Rizal at Bulacan (may ilang restrictions hanggang ika-15 ng Hulyo)
  • Laguna at Cavite (may “heightened” restrictions hanggang ika-15 ng Hulyo)
  • Baguio City
  • Ifugao
  • City of Santiago
  • Isabela
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Batangas
  • Quezon
  • Guimaras
  • Aklan
  • Bacolod City
  • Negros Occidental
  • Antique
  • Capiz
  • Zamboanga Sibugay
  • City of Zamboanga
  • Iligan City
  • Gen. Santos City
  • Sultan Kudarat
  • Sarangani
  • Cotabato
  • South Cotabato
  • Agusan del Norte
  • Surigao del Norte
  • Agusan del Sur
  • Cotabato City

 

 

Mahigpit-higpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) naman ang ibababa sa sumusunod na lugar hanggang ika-15 ng Hulyo:

 

  • Cagayan
  • Apayao
  • Bataan
  • Lucena City
  • Puerto Princesa
  • Naga City
  • Iloilo City
  • Iloilo
  • Negros Oriental
  • Zamboanga del Sur
  • Zamboanga del Norte
  • Cagayan de oro City
  • Davao City
  • Davao Oriental
  • Davao Occidental
  • Davao de Oro
  • Davao del Sur
  • Davao del Norte
  • Butuan City
  • Dinagat Islands
  • Surigao del Sur

 

 

Ilalagay naman sa pinakamaluwag na Modified General Community Quarantine ang mga nalalabing bahagi ng Pilipinas, kung saan magpapatupad ng pinakakaonting restrictions.

 

 

Kasalukuyang GCQ “with restrictions” ang ipinatutupad sa NCR at Bulacan habang GCQ “with heightened restrictions” naman sa Rizal, Laguna at Cavite.

 

 

Kanina lang nang irekomenda ng OCTA Research Group na palawigin lang ang GCQ sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya sa Hulyo, bagay na dapat daw ipatupad para maiwasan ang “rebound surge.”

 

 

Ilang mahahalagang updates sa COVID-19 situation ng bansa:

 

  • Lumagpas naman na sa halos 10.1 milyon ang nababakunahan laban sa COVID-19 sa Pilipinas, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. Sa bilang na ‘yan, 2.52 milyon na ang nakakakumpleto ng dalawang doses.
  • Inaasahan din naman ni Galvez na darating sa Pilipinas ang nasa 99,000 doses ng Moderna vaccines bukas, ika-29 ng Hunyo.
  • Sa pagitan ng Hunyo hanggang Setyembre, naka-schedule na magkaroon ng karagdagang 40-55 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang Pilipinas.

 

 

Umabot na sa 1.4 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa pinakabagong tala ng DOH ngayong araw. Sa bilang na ‘yan, pumanaw na ang 24,456 katao. (Daris Jose)

Other News
  • ALL-NEW “SCREAM” REVEALS POSTERS OF LEGACY CHARACTERS

    IT’S time for a killer reunion. Paramount Pictures has just released the individual posters of the legacy characters of  the all-new horror thriller Scream, coming to Philippine movie theatres January 2022.     Check out below the character one-sheets of Neve Campbell, Courtney Cox and David Arquette.     [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/i3sXCxPaRl0]     […]

  • Happy 38th Anniversary People’s Balita

  • Wala silang problema at nagrerespetuhan… DEREK, maayos ang co-parenting setup nila JOHN LLOYD for ELIAS

    A few hours after magsara ang mga voting precints noong election day last Monday, May 9, hindi nagtagal at nakapagpadala na ng mga unofficial election returns ng mga candidates ang GMA Network, na 24 hours non-stop na nag-cover ng “Election 2022.”      Kaya nagkaroon ng chance ang mga anchors para maka-usap ang mga nananalong […]