NCRPO itinuturing na mapayapa ang paggunita ng Semana Santa sa Metro Manila
- Published on April 12, 2023
- by @peoplesbalita
ITINUTURING ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ‘generally peaceful’ ang naging paggunita ng Semana Santa sa Kamaynilaan.
Sinabi ni NCRPO Chief, Police Major General Edgar Allan Okubo, wala silang natanggap na banta sa seguridad at kahit na tapos na ang Semana Santa ay patuloy pa rin silang naka-heightened alert.
May mga nakakalat pa rin silang mga kapulisan sa mga pampublikong lugar at public transport terminals para matiyak ang seguridad ng publiko sa Metro Manila.
Papayagan na rin nila ang limang porsyento ng kanilang hanay na makapag-leave dahil sa patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga vulnerable areas.
-
Halos sabay silang nagka-Covid ni Paulo: KIM, willing pa ring magmahal after na mahiwalay kay XIAN
HALOS sabay nagka-Covid ang mga bida ng ‘Linlang’ na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, kaya wala sila sa presscon na ginanap sa Dolphy Theatre. Dahil doon ay bukod tanging sina Diamond Star Maricel Soriano at Race Matias ang nakarating, kasama ang dalawang direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin. Pero live naman […]
-
Chinese nat’ls ang karamihang sangkot sa ‘biggest’ drug busts ng PDEA nuong 2021
INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang 10 biggest anti-narcotics operations nuong 2021 at kalahati ng kanilang operasyon ay kinasasangkutan ng mga Chinese nationals. Batay sa datos na inilabas ng PDEA, sa limang buybust operations, 13 Chinese suspeks ang sangkot kung saan siyam ang napatay sa ikinasang police operations. […]
-
Tropang Giga hinugot si Khobuntin
Kaliwa’t kanan ang galawan sa PBA kaya’t asahan ang mas matinding bakbakan sa pagbubukas ng Season 46 sa Abril sa isang bubble setup. Hinugot ng Talk ’N Text si Glenn Khobuntin mula sa free agency para makatulong sa frontline ng Tropang Giga. Nakapagtala si Khobuntin ng averages na 7.8 points at […]