• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Negative antigen test para sa mga int’l travelers, pinapayagan na ng Pinas-IATF

PINAPAYAGAN na ng Pilipinas ang mga foreign travelers at returning Filipino na mag-presenta ng negatibong resulta ng laboratory-based antigen test sa kanilang pagdating sa bansa.

 

 

Ang pinakabagong hakbang na ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay sa gitna na rin ng pagpapaluwag sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) restrictions sa Pilipinas.

 

 

Bago pa ito, kinakailangan na makapag-presenta muna ang mga international passengers ng negatibong resulta ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test para payagan na makapasok ng bansa.

 

 

“Previously, they just have to show a negative RT-PCR test taken within 48 hours. Now, it is either of the two – RT-PCR or antigen,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson and Communications Undersecretary Michel Kristian Ablan.

 

 

Sa ilalim ng IATF-EID Resolution 160-A, ipinalabas araw ng Huwebes, ang mga fully-vaccinated Filipino nationals ay may opsyon na magpresenta ng negatibong resulta ng RT-PCR test na ginawa sa loob ng 48 oras o negatibong resulta ng laboratory-based antigen test na ginawa sa loob ng 24 oras bago pa ang petsa o oras ng kanilang departure mula sa bansa na kanilang panggagalingan.

 

 

Ang mga fully-vaccinated individuals ay hindi na nire-require na sundin ang mandatory facility-based quarantine subalit kailangan na mag-self-monitor para sa anumang sintomas sa loob ng 7 araw.

 

 

Ang bagong rule ay ina-apply din sa mga Filipino na hindi bakunado at partially vaccinated, at maging sa mga mayroong unverified vaccination status.

 

 

Gayunman, sa mga hindi naman fully vaccinated, may mandato ang mga ito na sumailalim sa facility-based quarantine hanggang sa maipalabas ang kanilang negatibong RT-PCR test taken sa pang-limang araw sa bansa.

 

 

Required din ang mga ito sundin ang home quarantine para sa panibagong 9 na araw.

 

 

“For Filipino nationals who have recovered from Covid-19 but test positive prior to their arrival in the Philippines, they are required to present a positive RT-PCR test result taken not earlier than 10 days but not later than 30 days and a positive RT-PCR test result taken within 48 hours before entering the country,” ayon kay Ablan base sa nakasaad sa resolusyon.

 

 

“Fully-recovered Filipinos returning to the country must also submit a medical certificate issued by a licensed physician to determine if they are asymptomatic or have Covid-19 symptoms,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, ang byahero mula Hong Kong at Macau ay maaari nang makapasok ng Pilipinas kahit pa walang visa, kasunod ng pagpapalabas ng panibagong resolusyon na aprubado ng IATF-EID.

 

 

Ang mga Passport holders mula Hong Kong Special Administrative Region (SAR) o Macau SAR ay maaaring manatili sa Philippines visa-free para sa panahon na hindi lalagpas ng 14 na araw, ayon sa IATF-EID Resolution 164-A na inaprubahan, araw ng Huwebes.

 

 

“Those who can visit the Philippines without visas must present an “acceptable” proof of Covid-19 vaccination and a negative result of either RT-PCR test taken 48 hours or laboratory-based antigen test taken 24 hours prior to their arrival in the country,” ang pahayag ni Ablan.

 

 

Ang pasaporte ng mga ito ay kailangan na balido sa loob ng 6 na buwan simula ng kanilang pagdating sa bansa.

 

 

Inaprubahan din ng IATF-EID, ayon kay Ablan ang “acceptance and recognition” ng national Covid-19 vaccination certificate ng Croatia, Cyprus, at Nepal.

 

 

Ayon kay Ablan, “the Covid-19 vaccination certificates should be used for purposes of arrival quarantine protocols, as well as for interzonal and intrazonal movement.”

 

 

“The Bureau of Quarantine, the Department of Transportation’s One-Stop-Shop, and the Bureau of Immigration are directed to recognize only the proofs of vaccination thus approved by the IATF,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, kinikilala rin ng Pilipinas ang Covid-19 vaccination certificates na inisyu ng mga bansang Armenia, Australia, Austria, Bahrain, Belgium, Canada, Colombia, Czech Republic, France, Georgia, Germany, Hong Kong SAR, India, Iraq, Italy, Japan, Kazakhstan, Kuwait, Monaco, New Zealand, Oman, Qatar, Samoa, Singapore, Slovenia, Sri Lanka, Switzerland, Thailand, The Netherlands, Tunisia, Turkey, United Arab Emirates, United Kingdom, Estados Unidos, Vietnam, Brazil, Israel, Timor-Leste, South Korea, Malaysia, Ireland, Argentina, Brunei Darussalam, Cambodia, Chile, Denmark, Ecuador, Indonesia, Myanmar, Papua New Guinea, Peru, Portugal, Spain, Azerbaijan, Macau SAR, Syria, Egypt, Maldives, Palau, Albania, Estonia, Greece, Malta, Uruguay, Romania, at ang British Virgin Islands.

Other News
  • Top 2 most wanted person ng Hernani MPS, timbog sa Caloocan

    MAKALIPAS ang mahigit anim na taong pagtatago sa batas, naaresto na ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City ang isang kelot na wanted sa kaso ng tangkang panggagahasa sa Eastern Samar.     Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P?lt. Col. Robert Sales ang naarestong akusado bilang si Nelson Alidon, […]

  • Pinas, nakikitang magiging 27th largest economy sa buong mundo sa 2037

    NAKIKITANG tataas ang paglago ng ekonomiya ng bansa at makokopo ang 27th spot bilang biggest economy sa buong mundo sa 2037. Sa World Economic League Table (WELT) 2023 ng Centre for Economics and Business Research (CEBR), ang pagtataya sa ulat, ang Pilipinas ay tatalon ng 11 notches sa rankings, magmumula sa electronics manufacturing sector. “The […]

  • PBBM, hindi inisip na magdeklara ng National State of Calamity sa gitna ng El Niño

    HINDI inisip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magdeklara ng national state of calamity sa gitna ng epekto ng El Niño phenomenon.     Sa isang ambush interview sa Bacolod City, araw ng Lunes, sinabi ng Chief Executive na maaaring maramdaman ang epekto ng phenomenon subalit hindi naman ito mapanganib.     ”Ang katotohanan niyan […]