NegoSeminar inilunsad sa Navotas
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
SA kabila ng COVID-19 pandemic, ang pamahalaang lungsod ng Navotas ay patuloy na nagsagawa ng seminar sa mga interesadong residente na nais na magtayo ng maliit na negosyo sa lungsod.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang NegoSeminar ay inilunsad higit isang buwan na nakalipas na naglalayong turuan ang mga interesadong residente na apektado ng pandemya kung paano magtayo ng kanilang sariling maliit na negosyo ngunit walang sapat na ipon upang mapondohan ito.
Ang NegoSeminar ay ginaganap tuwing Miyerkules alas- 9 a.m. hanggang 11 a.m. sa lobby ng Navotas City Hall at sa mga nais makamit ang “Tulong Puhunan” ay magtungo lamang sa NavotaAs Hanapbuhay Center para sa kanilang susunod na eskedyu.
Samantala, pinaalalahanan muli ni Mayor Tiangco ang mga residente sa kahalagahan ng kooperasyon ng bawat isa upang mapanatili ang patuloy na pagbagal ng rate ng impeksyon ng virus sa lungsod.
Nakapagtala nung nakaraang linggo ang City Health Office ng anim lamang na positive cases ng COVID-19 na nagdala sa kabuuang bilang na 4,376 at karagdagang 47 na mga gumaling kayat umabot na sa 3,803 ang mga recoveries habang 124 ang namatay.
“Nagbunga na po ang paghihigpit natin noong nakaraang mga buwan. Ang pagbaba po ng mga kaso sa ating lungsod ay nagpapakita lamang na tama ang ginawa natin,” ani Mayor Tiangco.
Sinabi pa ng punong lungsod na ang pagbaba ng mga bilang ng kaso ng nagpositibo sa COVID-19 ay dahil sa isinagawang malawakang testing, naging maagap na contact tracing at naging istrikto sa no home quarantine policy maliban kung nirekomenda ng doktor na manatili sa bahay. (Richard Mesa)
-
F2 Logistics taps Regine Diego as head coach
Tinapik ng F2 Logistics si Regine Diego para maging full-time na head coach ng Cargo Movers para sa 2023 Premier Volleyball League season. Ginawa ng koponan ang anunsyo noong Huwebes. “Isang dating DLSU Lady Spiker na nag-transition from player to coach… Isang champion athlete at champion coach,” basahin ang pahayag ng koponan. […]
-
Halaga ng piso, 85 sentimo na lang – PSA
TULUYAN nang bumagsak ang purchasing power ng Philippine peso kontra US dollar dahil sa mas tumaas na inflation nitong buwan ng Oktubre. Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang halaga ng piso noong 2018 ay katumbas na lamang ng 85 sentimo noong Oktubre. Nitong Hulyo, katumbas pa ito ng 86 […]
-
Ateneo center Isaac Go itinalagang team Captain ng Gilas Pilipinas
Itinalaga bilang team captain ng Gilas Pilipinas si Isaac Go para sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers na gaganapin sa Clark, Pampanga. Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na papalitan nito si Rey Suerte na nagtamo ng sprained ankle injury. Si Go ang top overall pick sa special Gilas round ng […]