• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Negosyante, 3 pa, timbog sa P 180K marijuana

ARESTADO ang apat kabilang ang isang negosyante matapos makuhanan ng nasa P180K halaga ng marijuana nang inguso sa mga pulis ng concerned citizen ang kanilang iligal na gawain sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ng bagong hepe ng Caloocan City Police na si P/Col. Dario Menor ang mga naarestong suspek na si Paul Andrew Decena, 30, negosyante, ng Orchid St., Natividad Subd., Phase 2, Brgy. 168 Deparo, Wifredo Verzosa, 29, ng Bagumbong, Brgy. 171, John Erick Pedelino, 27, ng 2031 Elias St., Brgy 352, Zone 32, Sta. Cruz, Manila, at Abegail Torres, 22, Orchid St., Natividad Subd,, Phase 2, Brgy 168, Deparo.

 

Sa report ni P/Col. Menor kay Northern Police District (NPD) PBGEN Ronaldo Ylagan, alas-7 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct (PCP)-6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Harold Aaron Melgar mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na transaksyon ng iligal na droga sa Lot 0033, Blk 4, Orchid St., Natividad Subd., Phase 2, Brgy. 168, Deparo, ng lungsod.

 

Kaagad namang nirespondehan ng mga tauhan ng PCP-6 ang naturang lugar kung saan naaktuhan ng mga ito ang mga suspek na naging dahilan upang pagdadamputin ang mga ito.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 1.5 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang P180,000 ang halaga, isang timbangan, at ilang drug paraphernalia.

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Home quarantine’ bawal muli sa Maynila

    Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagbabawal muli sa “home quarantine” dahil sa pagkakatuklas sa dalawang kaso ng mas mapanganib na Delta variant sa siyudad.     Sakop ng hindi na pinapayagan sa home quarantine ay ang mga indibiduwal na kinakakikitaan ng sintomas ng COVID-19 at maging ang mga asymptomatic na pasyente.   […]

  • Ravena maglalaro pa sa NLEX bago tuluyang sumabak sa Japan

    Maglalaro pa sa NLEX Road Warriors si Kiefer Ravena sa season-opening ng PBA Philippine Cup.     Ito ay bago ang kaniyang pagtungo sa Japan para maglaro sa Shiga Lakestars team sa B-League.     Nagkausap na rin kasi ang 27-anyos na si Ravena at NLEX coach Yeng Guiao sa kasagsagan ng training camp nila […]

  • IOC tiwalang walang magiging aberya na sa Tokyo Olympics

    Desidido pa rin ang International Olympic Committee (IOC) na ituloy pa rin ang Tokyo 2021 Olympics.   Sinabi ni IOC president Thomas Bach, may mga scenario na silang kinokonsidera para manatili silang ligtas at matuloy ang torneo.   Dagdag pa nito, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng pakikipag-ugnayan ng kaniyang opisina sa mga opisyal ng Japan.   […]