Negosyo sa Maynila mas yumabong kahit may pandemya
- Published on July 6, 2020
- by @peoplesbalita
Ipinagmalaki kahapon ni Manila City Mayor Isko Moreno sa kaniyang State of the City Address (SOCA) ang patuloy na pagiging matatag ng lungsod ngunit nagbabala na mararamdaman ang epekto ng tatlong buwang lockdown sa ekonomiya sa mga darating pang buwan.
Sa kabila nito, sinabi ni Moreno na handa ang Maynila makaraang lumago pa ang kita ng lungsod sa P12.441 bilyon mula Hulyo 2019 hanggang Mayo 2020 sa kabila ng implementasyon ng tax amnesty.
Mas marami rin umanong negosyo ang nagbukas sa lungsod kahit na may pandemya nang 8,665 bagong negosyo ang nagparehistro at nasa 51,022 ang nag-renew ng kanilang mga permits.
Ipinagmalaki rin ng alkalde ang kampanya niya sa kalinisan upang hindi na sabihan na “dugyot” ang Maynila. Umaabot umano sa 217 kilometro na ang haba ng kalsada ang dinaanan ng kanilang ‘flushing operations’ sa loob ng 311 araw.
Umaabot naman sa 566,904 tonelada ng basura ang nahakot ng Department of Public Service (DPS) na may katumbas na 112,981 trak. Nasa 1,119 tonelada ang nahakot buhat sa Manila Bay.
Dahil dito, patuloy na nanawagan si Domagoso sa mga Manilenyo ng ibayong disiplina at tigilan na ang pagtatapon ng mga basura sa dagat, ilog at mga estero.
Sa kriminalidad, nasa 898 wanted persons ang nadakip ng Manila Police District. Nasa 173 sa kanila ay mga Most Wanted at 25 ang nadakip ng pulisya habang nasa lockdown ang Maynila. (Gene Adsuara)
-
SHARON, looking forward to growing old with Sen. KIKO, pero ayaw niyang magmukhang matanda
BIRTHDAY ni Senator Kiko Pangilinan yesterday at gusto naming i-share sa inyo ang IG greeting ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang loving husband. “Happy, happy birthday to one of best fathers in the world, my Sutart, playmate, “neybor,” friend, no. 1 fan and supporter, partner, no.1 fan also of my cooking, my faithful, loving, […]
-
Shoot to kill order ni PDu30 laban sa mga NPA
PARA sa Malakanyang, internationally accepted principle ang naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga miyembro ng New Peoples Army Group. Ito ang inihayag ni Chief Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa harap ng pagkuwestiyon sa shoot to kill order ng Chief Executive Punong Ehekutibo laban sa mga armadong NPA. Binigyang […]
-
Ads May 28, 2022