• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Netizens, inaabangan na ang nakaaaliw na second episode: WILBERT at YUKII, nagpakilig at nagpasabik sa una nilang pagtatagpo

NAGPAKILIG at nagpasabik ang unang episode ng newest digital series ng Puregold, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, nang ipakita ang kakaibang chemistry sa tambalan nina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi) sa una nilang pagtatagpo.

 

 

Lalo pang matutuwa at ma-i-inlove ang mga tagasubaybay sa ikalawang episode, habang hinihintay kung ano ang mangyayari sa lalo pag paglalim ng pagkakakilala nina Angge at Bryce sa isa’t isa.

 

 

Maging pang-totoo na buhay kaya ang digital na pag-usbong ng tambalan ng dalawa? Makikialam kaya ang makulit na nanay ni Bryce na si Bessie (Marissa Sanchez)?

 

 

Saya at tawa ang sasalubong sa mga tagapanood, dahil sa ikalawang episode, marami pang kulitan sa pagkakaibigan nina Bryce, Genski (Kat Galang) at Ketch (Migs Almendras).

 

 

Sa opisyal na trailer pa lamang ng Ang Lalaki sa Likod ng Profilelutang na lutang na ang pagkasabik ng mga netizen, dahil sa kapana-panabik na kuwento at mahusay na mga artista.

 

 

Sa unang episode na pinamagatang “Hello From the Other Side”, nakilala ng mga tagapanood si Bryce, habang pinalilipas niya ang oras bilang manlalaro ng video games, at ang kaniyang nanay na si Bessie na kinukulit na siyang maghanap ng girlfriend.

 

 

Ipinasilip din ng unang episode ang buhay ni Angge, at ang pagsusumikap niyang gumaling mula sa sakit na Toxoplasmosis, isang impeksyon sa utak na nakaapekto sa kaniyang pagkilos. Nakilala rin ng netizens ang mabait na kuya ni Angge na si Cyrus (TJ Valderrama) at ang Yaya Aimee (Star Orjaliza) ni Bryce.

 

 

Ang inaabangang unang episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ay humakot ng napakaraming tagapanood sa opisyal na YouTube channel ng Puregold, na nakatutok sa pag-unlad ng kuwentong pag-iibigan nina Bryce at Angge.

 

 

Mukhang magiging hit na hit na serye ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile, base sa reaksyon ng mga netizens.

 

 

Abangan ang kapana-panabik na ikalawang episode sa YouTube channel ng Puregold, sa Abril 29, 7 pm.

 

 

(Nais mo ba ng libreng entertainment? Mag-subscribe na sa Puregold sa YouTube. Para sa mga update, i-like lang ang @puregold.shopping sa Facebook, i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at ang @puregoldph sa Tiktok.)

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pinas inaasahan na ang 194k doses ng Moderna ngayong Marso

    INAASAHAN ng Pilipinas na matatanggap na nito ang 194,000 doses ng Moderna’s COVID-19 vaccines sa buwan ng Mayo.     “It is expected to arrive, 194,000, most likely this coming May,” ayon kay , vaccine czar Carlito Galvez Jr.     Bahala na aniya ang National Immunization Technical Advisory Group kung anong priority group ang […]

  • Ilang sangkot sa korapsyon sa DPWH, patay o retirado na

    PATAY na o kaya naman ay retirado na ang ilan sa mga pangalan ng  Department of Public Works and Highways (DPWH) personnel na nasa listahan na sinasabing di umano’y sangkot sa korapsyon.   Sa briefing na isinagawa  para sa pagtugon ng pamahalaan sa bagyong Ulysses ay isinambulat ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang korapsyon sa […]

  • Libre pasahe sa MRT-3, LRT-2 at PNR sa bakunadong APOR sa Aug. 3-20

    Magkakaloob ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) ng libreng pasahe para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na bakunado na simula ngayong araw, Agosto 3 hanggang Agosto 20.     Ito ay batay na rin sa kautusan mismo ni Department […]