Netizens, super-react sa poster ng GL series nila: LOVI at JANINE, first time magsasama at kaabang-abang ang tagisan sa pag-arte
- Published on June 28, 2022
- by @peoplesbalita
SA IG post ni Lovi Poe last June 25, ibinahagi rin niya ang official poster ng ‘Sleep With Me’, at may caption na, “Are you ready to sleep with Luna and Harry?”
Ito ang first lesbian series ni Lovi na kung saan makakatambal niya si Janine Gutierrez.
Post naman ng aktres sa kanyang IG account, “Gumawa tayo ng mundo na parang sating dalawa lang.”
Mula ito sa panulat at direksyon ni Samantha Lee, na matatandaan sa LGBTQ films na “Bakas Bukas” (2016) at “Billie and Emma” (2016).
Hatid ito ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment at Project 8 Projects (nina Dan Villegas at Antoinette Jadaone) na streaming na this August sa iWantTFC.
Bukod sa IG accounts ng dalawang premyadong aktres, makikita rin sa social media pages ng iWantTFC, Dreamscape, at Project 8 Projects ang official poster na isinabay sa selebrasyon ng Pride month.
Sa caption ng @project8projects, “Feeling emotionally damaged, restless and romantically deprived?
“Calling every sadghorl, sadboi, and accla! Sleep With Me is coming out this August, so don’t forget to be yourself with DJ Harry and Luna. Happy Pride!”
Pinusuan nga ito ng netizens, pero may ilan ding nagni-nega agad sa series na na pagbibidahan nina Lovi at Janine:
“Ang ganda ng side profile ni Janine 😍”
“Pero not so much sa front, she’s pretty naman pero maasim yon mukha pag sa actingan na.”
“Kaya nga sana si Lovi nalang yung binaliktad sa pic.”
“Hindi nagco-compliment looks nila para sakin, walang chemistry.”
“Nagawa na yan nila Andrea at Kylie , yung BetCin.”
“At naunang gawin nila Rhian at Glaiza sa The Richman’s Daughter. First GL na primetime series ng GMA.
“Parang parehas sila girly girly, sana kahit isa totomboy-tomboy parang rhian-glaiza datingan.”
“They’re not the first and will not be the last to do this kind of movie kaloka ka.”
“So dapat isang GL lang for the entire existence ng mga tao? ha ha. iba-iba ang story line, at gagawa pa ng madami in the future.
“At nagawa na rin yan nong 1930s na pinakaunang lesbian film from Germany.”
Kahit na ano pang sabihin at pagkontra, for sure exciting pa rin itong panoorin at kaabang-abang unang pagsasama nina Lovi at Janine sa isang GL series, na sa true lang magtatagisan din sa husay nila sa pag-arte.
(ROHN ROMULO)
-
Mahigit 8M, mga nabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination day
UMABOT sa 8, 014, 751 ang mga nabakunahan sa katatapos lang na 3 day Bayanihan, Bakunahan. Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa Public briefing, na ang higit 8 million recorded jabs ay “as of 6am” pa lamang ng Disyembre 3. Hindi pa aniya pumapasok ang iba pang data lalo na […]
-
Marcial kumukuha ng mga ideya sa NBA para sa PBA
BANTAY-SARADO sa Philippine Basketball Association (PBA) ang nagaganap sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 regular season games hinggil sa mga patong-patong na kaso na may kinalaman sa Coronavirus Disease 2019. “Minamatyagan namin nang husto kung ano ginagawa nila,” bulalas kahapon ni Commissioner Wilfrido Marcial. “Kung may maganda, i-a-adopt namin sa PBA.” Mas […]
-
VM SERVO, SUPORTADO PROYEKTO AT PROGRAMA NI LACUNA
NANGAKO si Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na susuportahan niya ang lahat ng mga pangunahing programa ni Mayor Honey Lacuna-Pangan. Kabilang sa mga nasabing proyekto ay ang pagpapalago ng ekonomiya, pagpapaunlad ng buhay, kalusugan, kalinisan, kaayusan at katahimikan. Upang mas maisakatuparan ang mga programa at proyekto ng lungsod, hiniling ng […]