Netizens, tinag pa si Kim para subukang mag-react: Photo nina BARBIE at XIAN na kuha sa isang hotel, ginawan ng malisya
- Published on May 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-VIRAL ang photo nina Barbie Imperial at Xian Lim na kuha sa lobby ng isang hotel sa Davao Oriental dahil nilagyan ito ng malisya ng ilang netizens.
Una itong lumabas sa Facebook post ng isang hotel sa Mati, Davao Oriental noong Linggo, May 15 at may caption ito na, “Thank you so much, Mr. Xian Lim & Ms. Barbie Imperial for staying at Hotel Rosario Mati (smiling, black heart emoji).”
Kaya naman agad na nag-comment ang ilang netizens sa pagsasamang ito nina Barbie at Xian at naglagay nga ng malisya sa photo at tinag pa sa girlfriend ng aktor na si Kim Chiu.
Ilan sa naging comments nila:
“Xian Lim ngiti nang tagumpay.”
“Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko – Kim Chiu tara kape.”
“Okay lang yan kim. I know you are in a good place now.”
“Barbie kabahan kana sa hot water.”
May nagtanggol din naman na netizens kung bakit magkasama sina Xian at Barbie sa naturang hotel:
“This hotel is creating a gossip. Wala alam sa confidentuality.”
“Kaya sila magkasama sa Mati City kasi isa sila sa celebrity guest ng candidato doon. Dyan siguro sila nag-stay habang nasa Mati City haha.”
“FYI THEY WERE HERE SA MATI CITY FOR A SHOW SA MITING DE AVANCE HAYS PEOPLE LOVE CHISMIS KAAYO.”
“Nag guesting sila sa isang Political Rally dito sa Mati City invited by Mayo Almario and his team, same hotel po sila ng pinagstayhan pero iba-ibang kwarto.”
“Yung resting place po nila ay prepared by the people who invited them. Nandoon sila for work po. Wag tayong pala desisyon at gumawa ng issue na wala naman doon.”
Reaction naman ng netizens sa photo na kuha noong May 7, 2022 sa nasabing hotel, sa isang entertainment blogsite:
“Infer, bagay sila.”
“No, sa height medyo tagilid, nagmuka maliit si barbie sa tabi ni xian.”
“Common sense na lang e. Magpapapicture ba yan na magkasama kung may something.”
“Sadly sa Pinas, kulang sa sustansya ang mga tao. Mas gusto nila paniwalaan yung ikakasira ng isang tao.”
“Natawa ako dun sa comment na ngiting tagumpay haha.”
“I wondered when they’d drag Xian to get back at Kim & I guess this lame attempt is it. Nothing but malicious gossips!”
“Grabe ung mga hotel sa pinas, kung dito yan sa US pwedeng kasuhan.”
“Cheap publicity.”
“Grabe no, how did we end up like this. Parang people are living for chismis and they glorify misinformation. People rejoice pag may binabash.”
Sa ngayon, wala pang reaction sina Xian at Barbie sa ginawang pagli-link sa kanila and hopefully ‘wag na nilang patulan.
(ROHN ROMULO)
-
Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals tinunghayan ng 6.9 milyong viewers
KABUUANG 6.9 milyong viewers ang tumunghay sa ‘winner-take-all’ Game Seven ng San Miguel at TNT Tropang Giga sa 2022 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo. Bukod pa ito sa 15,195 live audience na sumugod sa Smart Araneta Coliseum para personal na saksihan ang 119-97 pagsibak ng Beermen sa Tropang Giga sa nasabing laro. […]
-
ARTA, nag-level up sa business permitting process sa Pinas
NAGING matagumpay ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) na i-streamline ang ilan sa permitting process upang masiguro na maging magaan ang transaksyon o “doing business” sa Pilipinas. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa US businesses na ang kanyang administrasyon ay “working hard” para i-minimize ang red tape at i-digitalize ang bureaucratic processes. […]
-
Vice Mayor ng Aparri, Cagayan at 5 pa todas sa ambush
PATAY ang Vice Mayor ng Aparri, Cagayan at lima pang kasama nito nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na naka-uniporme ng PNP, ang kanilang sinasakyang van kahapon ng umaga sa Bagabag, Nueva Vizcaya. Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Vice Mayor Rommel Alameda, 49, ng Aparri, Cagayan; Alexander Agustin Delos […]