• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH COVID-19 cases umabot ng 541,560; new deaths, 114: DOH

Umabot na sa 541,560 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

 

 

Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, nadagdagan ngayong araw ng 1,345 new cases ang coronavirus tally.

 

 

“4 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on February 9, 2021.”

 

 

Sa ngayon nasa 30,188 ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling.

 

 

Nadagdagan din ng 276 ang numero ng mga gumaling, kaya ang total recoveries ay umabot na ng 499,971.

 

 

Habang 114 ang bilang ng bagong naitalang namatay, na nagpaakyat sa total deaths na 11,401.

 

 

“12 duplicates were removed from the total case count. Of these, 10 were recovered cases.”

 

 

“Moreover, 9 cases previously tagged as deaths were reclassified as recoveries while 59 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”

 

 

Una nang sinabi ng DOH na ang mataas na bilang ng bagong namamatay kamakailan ay dahil sa “data harmonization” nila ng Philippine Statistics Authority.

 

 

Wala pang paliwanag ang ahensya tungkol sa higit 100 bagong death cases ngayong araw.

Other News
  • US donation single dose na Johnson and Johnson, inaasahang darating ngayong buwan sa bansa

    INAASAHANG darating ngayon buwan sa bansa ang nasa 3,024,000 single dose na Johnson and Johnson na donasyon ng Estados Unidos at ipadaraan sa COVAX facility ang parating ng bansa ngayong buwan.   Sa naging pag-uulat ni Vaccine csar Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi nito na bahagi ito ng inaasahang 16 doses […]

  • Eleazar sa mga kandidato, supporters: ‘Fake news iwaksi’

    NANAWAGAN si senatorial aspirant Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa lahat ng kapwa kandidato at kanilang mga supporter na tumulong sa pagtataas ng lebel ng political maturity ng mga Pilipino sa pamamagitan ng ‘di pagkakalat ng fake news laban sa mga katunggali.     Ayon kay Eleazar, “toxic” o umabot na sa sukdulan ang batuhan ng […]

  • Taas-pasahe ng LRT-1 at LRT-2, larga na

    NAGSIMULA na Agosto 2, ang pagpapatupad ng taas-pasahe ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 (LRT-2).     Alinsunod ito sa taas-pasahe na inaprubahan ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na ang minimum boarding fee para sa mga naturang rail lines ay nasa P13.29 mula sa kasalukuyang P11. […]