Never nag-regret na nagpakasal: CARLA, wala ng chance na makikipagbalikan pa kay TOM
- Published on February 9, 2023
- by @peoplesbalita
NALUNGKOT ang mga fans ng Pambansang Ginoo na si David Licauco, nang aminin niya sa interview ng Kapuso Showbiz News, na nakakaranas siya ng sleep apnea, at kailangan niyang magpagamot sa isang specialist.
Ngayon pa naman namamayagpag ang career ni David sa pagganap niya bilang si Fidel, katambal si Barbie Forteza as Klay, kaya nabuo ang kanilang FiLay loveteam.
Healthy looking si David, pero serious pala ang sleeping disorder niya.
“It’s scary talaga, it’s been my insecurity since it started when I was 16 years old, so it’s been 11 years na yung sleep apnea ko, na my breathing stops, about 30 seconds straight about 24 times in an hour when I’m sleeping.
“Ilan sa symptoms nito ay ang pagiging irritable, daytime drowsiness, at fatigue dahil sa interruptions ko sa pagtulog. Kaya humihingi ako ng tawad sa mga taong nasungitan ko dahil sa effect ng condition ko.
“Sa gabi lamang umaayos ang mood ko, kaya pupunta muli kami ng mom ko sa doctor ko for a check up again. Baka I need an operation soon, kasi nahihirapan na ako.”
Tamang-tama naman na natapos na ang taping ng buong cast ng historical fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’ nasa last two weeks na lamang mapapanood sa GMA-7 every 8 pm.
Don’t miss kung ano ang magiging ending ng FiLay love team. Masunod kaya ang gusto ng mga fans nila na sa pagtatapos ng serye ay sasama si Fidel kay Klay sa pagbalik nito sa bagong panahon?
***
PUMAYAG si Kapuso actress Carla Abellana na sumailalim sa legit lie detector test ni Bea Alonzo para sa personal vlog nito.
Sinagot namang lahat ni Carla ang mga tanong ni Bea at pasado naman ang mga sagot niya sa machine, like may nagpaparamdam na ba sa kanyang manligaw ulit, meron daw nagpaparamdam pero wala namang nanliligaw.
Wala siyang regret na nagpakasal siya, pero hindi pa raw siya ready na ma-in love ulit at muling mag-asawa. Hindi na niya babalikan si Tom Rodriguez, no more second chance. Pero napaisip si Carla sa tanong if he will work again with Tom.
Ayaw na raw niya, pero paano raw kung gusto ng GMA na muli silang pagtambalin?
May Valentine’s Day date ba siya sa February 14?
“Wala, may Baguio trip lamang kami ng mga barkada ko, na mga friends ko na sila since elementary pa lamang kami noon. Tiyak na mag-ienjoy kami sa Baguio.”
Kasalukuyang ginagawa ngayon ni Carla ang balik-tambalan serye nila ni Gabby Concepcion na “Stolen Life” sa GMA Network, na makakasama nila si Beauty Gonzalez.
Una silang nagtambal ni Gabby sa “Because of You” in 2017. Malapit na ring mapanood si Carla sa “Voltes V: Legacy” sa second quarter of 2023.
***
MARAMI nang naghihintay sa world premiere ng action adventure series na “Mga Lihim ni Urduja” na magpapabalik sa Jewels of Primetime na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez, na una silang nagsama-sama noon sa “Encantadia.”
Makakasama rin nila sa serye sina Michelle Dee, Arra San Agustin, Vin Abrenica, Pancho Magno, Kristoffer Martin, Rochelle Pangilinan, Jeric Gonzales at Zoren Legaspi.
Sa story, Kylie and Gabbi will work in a special law enforcement operation entrusted with the recovery of precious, pre-colonial jewelry ng legendary and mythical Queen Urduja (Sanya Lopez) of the 1300s. Ang “Mga Lihim ni Urduja” ang papalit sa magwawakas nang “Maria Clara at Ibarra.”
(NORA V. CALDERON)
-
Natutunan na dedmahin na lang: MARTIN, ‘di pumapatol sa comments pag ‘di totoo
SEXY actor ang dapat na unang image ni Rob Gomez kaya ang naging unang project niya ay ang sexy drama na ‘A Girl And A Guy’ na pinalabas via Netflix noong 2021. Napapayag si Rob na gawin ang sexy movie para magkaroon ng ingay ang pangalan niya. Kaya wala siyang takot na gawin ang mga […]
-
Cusi, gustong madaliin ang implementasyon ng strategic oil reserve plan- Abad
NAGBIGAY na ng kanyang marching order si Department of Energy (DoE) Secretary Alfonso Cusi na madaliin ang implementasyon ng strategic petroleum reserve plan ng departamento. Ito ang oil buffer stock ng pamahalaan na magpapagaan sa epekto ng pagtaas ng presyo sa domestic market. Sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino […]
-
Pilipinas, malapit nang maabot ang COVID-19 endemic stage – eksperto
NANINIWALA si infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na malapit nang maabot ng bansa ang tinatawag na “endemic stage” ng COVID-19 sa kabila ng pagluluwag sa paggamit ng face mask at bagal ng pagpapabakuna sa ngayon. “Malapit na. Sa tingin ko, maaabot din natin ‘yan. We just have to continue our ginagawa ngayon […]