Never nayanig ang relasyon dahil sa ’third party’: BIANCA, hindi na sana nag-aartista kung seloso si Sen. SHERWIN
- Published on November 20, 2024
- by @peoplesbalita
KINUWENTO ni Bianca Manalo kung papaano sila nagkakilala ng kanyang boyfriend na si Senator Sherwin Gatchalian, at kung gaano katagal naghintay ito bago niya sinagot.
Ayon sa former Bb. Pilipinas-Universe 2009, una siyang nakita ni Sherwin na mayor pa lang noon sa pinagbidahan niyang teleserye na ‘Juanita Banana’ noong 2010.
“So, na-meet niya ako, mayor siya nun, so ‘di ko siya pinansin. Tapos biglang naging single ako ulit, so congressman na siya nanliligaw siya ulit. Sabi ko, ‘Ang kulit naman nito,” kuwento ni Bianca.
Nang pumanaw ang kanyang ama, sinabi ni Bianca na si Sherwin ang unang nagpadala ng bulaklak at nasa lamay ito gabi-gabi.
“Sabi ko, ‘Ay ang bait naman,’ pero hindi ko pa rin siya sinagot,” sey ni Bianca na bilib sa pagiging masigasig ni Sherwin sa panliligaw.
Nang maging single muli si Bianca, sinagot na niya si Sherwin na senador na noon.
“Very persistent and very humble tsaka very gentleman and very mild-mannered. Kung ano ‘yung iningay ko, siyang tinahimik niya, so balanced namin dalawa,” ayon kay Bianca.
Never daw nayanig ang relasyon nila ng senador dahil sa third party.
“Never. Kaya ko nga love ‘yon kasi nga ang talagang kalaban ko sa kanya, trabaho.
Sana hindi na ‘ko artista kung seloso ‘yun. Ito kasi ‘yung craft ko eh, so he allows me to enjoy whatever I love doing,” sey ni Bianca.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Pilipinas, nakatugon na sa requirement ng WHO hinggil sa bilang ng mga health workers na fully vaccinated na
TINATAYANG 90% na ng mga health workers ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna. Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr.na nakatugon na aniya ang pamahalaan sa itinatakda ng WHO na porsiyento ng mga medical workers na dapat nang nakatanggap ng bakuna. May 93% na aniya ang fully vaccinated na nasa […]
-
2 PUGANTENG KOREAN NATIONAL, ARESTADO SA ILLEGAL DRUGS AT TELECOM FRAUD
NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Korean national na wanted sa illegal drugs at telecom fraud. Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dalawang pugante na si Lee Dongju, 39 at Sim Kyuchul, 40 na naaresto ng mga miyembro ng BI’s fugitive search unit sa isang hotel sa […]
-
NABAKUNAHAN SA COVID, WALANG NARAMDAMANG ADVERSE EFFECT
WALANG naramdamang anumang adverse effects ang ilang mga opisyal ng gobyerno at mga doktor ng Philippine General Hospital (PGH) na nabakunahan ng Sinovac vaccine kahapon ng umaga sa naturang ospital. Ito ang pahayag nina PGH Dir. Dr. Gap Legaspi, Food and Drug Administration (FDA) Dir. Gen. Eric Domingo at MMDA Chairman Benhur Abalos, makaraang […]