New normal, maaari nang ikasa – Malakanyang
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na ang mga lugar na wala ng Covid-19 transmission ay maaari nang isailalim sa “new normal” kung saan ang natitirang quarantine restrictions ay magiging maluwag na.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases “in principle” ang deklarasyon ng new normal areas sa bansa.
Aniya pa, bumabalangkas na ang task force ng guidelines para sa new normal.
“It has been approved in principle po talaga na magkakaroon ng deklarasyon talaga ng new normal areas. Pero ang binubuo lang po ngayon ay ‘yung mga ‘Dos and Don’ts’ sa new normal,” ayon kay Sec. Roque.
“Kasi baka magkaroon ng new normal, bigla silang magkaroon ng rock concert. Iyon po ang lilinawin natin, iyong mga dos and don’ts sa mga new normal areas,” dagdag na pahayag nito.
Sa ulat, mayorya ng lugar sa bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), itinuturing na “most lenient quarantine classification” at susunod na phase bago ang new normal.
Dahil dito, nagpatupad ang pamahalaan ng lockdown sa buong Luzon noong kalagitnaan ng Marso ng nakaraang taon at unti-unting binubuksan ang ekonomiya matapos tamaan ng pandemiya na dala ng Covid-19.
Ang mga itinuturing naman na high-risk areas ay isinailalim sa itinuturing na “most stringent Enhanced Community Quarantine (ECQ) at the modified ECQ, habang ang moderate-risk areas naman ay isinailalim sa general community quarantine (GCQ) o modified GCQ.
Sa kasalukuyan, ang Metro Manila, mga lalawigan ng Davao del Norte, Batangas, Isabela, Lanao del Sur at limang siyudad gaya ng Santiago, Iloilo, Tacloban, Iligan, at Davao ay nasa ilalim ng GCQ hanggang Enero 30.
Ang natitirang lugar sa bansa ay nasa ilalim naman ng MGCQ.
-
Junna Tsukii wagi ng gold medal sa world games
NAGWAGI ng unang gold medal sa 12th World Games si Filipina-Japanese Junna Tsukii. Inamin nito na muntik na siyang hindi ituloy ang laban na ginanap sa Birmingham, Alabama noong ito ay talunin ni Morales Gema ng Spain. Sinabi ni Karate chief Ricky Lim na labis ang pagkadismaya ni Junna ng makakuha […]
-
“Ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa Lalawigan ng Bulacan” – Fernando
“SA LAHAT ng mga malalaking development plans at business opportunities dito sa ating lalawigan, ipinagmamalaki kong sabihin sa inyo na ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa lalawigan ng Bulacan. Magkapit-bisig tayo upang maging sentro ng pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa ang Bulacan.” Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa […]
-
Dahil sa paghakot ng pitong Moon Man trophies: TAYLOR SWIFT, most awarded musical artist in history ng Video Music Awards
FIRST time na mag-travel sa Europe ang Sparkle teen star na si Sofia Pablo at masuwerteng naimbitahan siya ng Netflix para sa second part premiere ng series na ‘Emily in Paris Season 4’ sa Rome, Italy. Nakibalita kami kay Sofia sa mga kaganapan sa bonggang red carpet event ng Netflix sa Rome. Kasama […]