• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

New normal, maaari nang ikasa – Malakanyang

SINABI ng Malakanyang na ang mga lugar na wala ng Covid-19 transmission ay maaari nang isailalim sa “new normal” kung saan ang natitirang quarantine restrictions ay magiging maluwag na.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases “in principle” ang deklarasyon ng new normal areas sa bansa.

Aniya pa, bumabalangkas na ang task force ng guidelines para sa new normal.

“It has been approved in principle po talaga na magkakaroon ng deklarasyon talaga ng new normal areas. Pero ang binubuo lang po ngayon ay ‘yung mga ‘Dos and Don’ts’ sa new normal,” ayon kay Sec. Roque.

“Kasi baka magkaroon ng new normal, bigla silang magkaroon ng rock concert. Iyon po ang lilinawin natin, iyong mga dos and don’ts sa mga new normal areas,” dagdag na pahayag nito.

Sa ulat, mayorya ng lugar sa bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), itinuturing na “most lenient quarantine classification” at susunod na phase bago ang new normal.

Dahil dito, nagpatupad ang pamahalaan ng lockdown sa buong Luzon noong kalagitnaan ng Marso ng nakaraang taon at unti-unting binubuksan ang ekonomiya matapos tamaan ng pandemiya na dala ng Covid-19.

Ang mga itinuturing naman na high-risk areas ay isinailalim sa itinuturing na “most stringent Enhanced Community Quarantine (ECQ) at the modified ECQ, habang ang moderate-risk areas naman ay isinailalim sa general community quarantine (GCQ) o modified GCQ.

Sa kasalukuyan, ang Metro Manila, mga lalawigan ng Davao del Norte, Batangas, Isabela, Lanao del Sur at limang siyudad gaya ng Santiago, Iloilo, Tacloban, Iligan, at Davao ay nasa ilalim ng GCQ hanggang Enero 30.

Ang natitirang lugar sa bansa ay nasa ilalim naman ng MGCQ.

Other News
  • DILG, pinapayagan ang PNP, BJMP, BFP personnel na magsuot ng ‘light uniforms’ sa gitna ng matinding init ng panahon

    PINAYAGAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), and Bureau of Fire Protection (BFP) na magsuot ng light uniforms habang naka-duty sa gitna ng heat index na umaabot sa dangerous levels sa maraming bahagi ng bansa.     […]

  • Pinoy boxer John Moralde bigo sa kamay ni William Zepeda

    Nabigo si Filipino boxer John Vincent “Mulawin” Moralde na maagaw ang World Boxing Association (WBA) Continental America lightweight champion kay William “Camaron” Zepeda.     Mula sa simula pa lamang ay umulan ng mga suntok mula kay Zepeda na nagbunsod sa pagkakatumba sa Pinoy boxer sa loob ng ikaapat na round sa laban na ginanap […]

  • VILLAR SA KORAPSYON SA DPWH: MAY MGA CASE SA LOOB

    AMINADO si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na may nagaganap na mga iregularidad sa loob ng naturang ahensya.   “In many cases, marami na kaming na-float,” punto ni Villar.   “In fact, dahil sa ginawa naming reforms, about 30 contractors na ang na-blacklist. Ito po ay malalaking contractors. Ito ‘yung […]