OFFICIAL TRACE APP, INILUNSAD SA MAYNILA
- Published on September 5, 2020
- by @peoplesbalita
INILUNSAD kahapon sa lungsod ng Maynila ang Official Tracer App ng Pilipinas para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Nanguna sa launching ng naturang App, na tinatawag na ‘staysafe.ph’ ay sina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, COVID testing Czar Secretary Vince Dizon, Tracer Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at Manila City Mayor Isko Moreno.
Nalaman na ang staysafe.ph app ay may kakayahan na i-trace at pinuntahan , makasalamuha ng isang user gamit ang GPS.
Makikita din umano sa naturang app ang kasalukuyang sitwasyon ng isang lugar pagdating sa kaso ng COVID-19.
Nabatid na ang staysafe.ph app ay maaring i-download sa Google Playstore, Apple App Store, Huawei Apps Gallery at sa website na staysafe.ph.
Sinabi ni Magalong, malaki ang maitutulong ng naturang app para matukoy ang mga pinuntahan at nakasalamuha ng mga confirmed COVID-19 cases.
Sa kabila na may iba’t ibang klaseng tracer app na ang iba’t ibang LGU sa bansa ay madali itong maiko-consolidate sa staysafe.ph app.
Kaugnay nito, hinikayat naman ni Moreno ang publiko, at mga establisimyento na mag-download at gamitin ang naturang app para makakuha ng mas magandang datos hinggil sa COVID-19.
Sinabi naman ni Roque, na ang paglulunsad ng naturang tracer app ay isang patunay na may plano at may ginagawa ang Duterte Administration laban sa COVID-19 pandemic. (GENE ADSUARA)
-
PNP chief dinepensa ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kahit day-off
Dinepensa ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kapag sila ay naka off duty at ipaiwan ito sa mga opisina. Ayon kay PNP Chief, kahit naka-off duty ang Pulis ay may tungkulin pa rin itong rumesponde sa anumang emergency partikular kung may krimen kaya’t makabubuting dala nito ang […]
-
10.7 milyong pamilyang Pinoy, nagsabing sila’y mahirap – SWS
MAY 10.7 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS). Sa non-commissioned survey na ginawa noong Disyembre 12-16, 2021 sa may 1,440 respondents, 43 percent ng pamilyang Pinoy ay nagsabing sila ay mahirap, 39% ang nasa pagitan ng mahirap at hindi mahirap, 19% naman […]
-
Bidang-bida sa three-part erotic series: VINCE, ‘di lang suwerte kundi blessed kaya ganun na lang ang pasasalamat
AMINADO sina Vince Rillon at Ayanna Misola na nakaramdam sila nang matinding pagod na gawin nila sa pinag-uusapang extended love scenes sa ‘Larawan’ na unang bahagi ng Vivamax erotic three-part series na L, mula sa direksyon ni Topel Lee. Napanood nga ito last February 27 sa pamamagitan ng streaming sa Vivamax. Written and […]