• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

New normal ngayong Abril, malabo pa- Concepcion

MALABO pang ipatupad ang “new normal” ngayong Abril dahil sa mababang rate ng booster vaccination.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na habang ang National Capital Region at iba pang rehiyon sa bansa ay mayroong mataas na vaccination rate, lalo na sa primary doses, ang natitirang bahagi ng Pilipinas ay mayroong mababang booster vaccination rate, dahilan upang mahirapan na maikasa ang “new normal.”

 

 

“Yes, kasi ‘yung challenge natin ngayon—‘yung primary doses medyo walang problem diyan dito sa NCR (National Capital Region) at ibang lugar, tumataas pero malayo pa rin ang mga booster shots,” ani Concepcion, sabay sabing epektibo ang bakuna matapos ang anim na buwan.

 

 

“I was all for Alert Level Zero pero dapat mataas ‘yung percentage of boosting sa mga LGUs (local government units),” pagpapatuloy nito.

 

 

Kamakailan ay sinabi ng isang infectious disease expert na handa na ang Pilipinas para ipatupad ang  Alert Level Zero.

 

 

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na tatalakayin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang “metrics and elements” ng itinuturing na “more lenient alert level.”

 

 

Para sa Department of Health (DoH) ang health protocols partikular na ang paggamit o pagsusuot ng face mask ang huling babawiin ng gobyerno.

 

 

Base sa data ng DoH, tinatayang 65 milyong indibiduwal sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19 “as of March 20.”

 

 

Tinatayang 11.5 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang third o booster dose. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Mga kaso ng hostage taker sa San Juan, madadagdagan pa’ – Sinas

    MASUSUNDAN pa ang mga kaso laban sa Green Hills hostage taker na si Alchie Paray.   Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Debold Sinas sa panayam ng Bombo Radyo, illegal possession of firearms at explosives ang inisyal nilang isinampa, habang maghahain ng bukod na reklamo ang mga naging hostage nito. […]

  • 2 INDIBIDWAL, BARANGAY OFFICIAL ARESTADO NG NBI

    DALAWANG indibidwal kasama ang isang opisyal ng barangay ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa ilegal na pagbebenta ng “iron wood” o “magkuno”.     Kinilala ni NBI Director Eric Distor  ang mga naaresto na sina Clyde Rey Balaan na isang barangay councilor at Elward Lomongan, residente ng Lianga,Surigao del Sur.   […]

  • Sa prestigious Jinseo Arigato International Film Festival: Direk NJEL, pinarangalan bilang ‘Best International Film Director’

    MATAPOS maglunsad ng anim na pelikula nang sabay-sabay, naipanalo na naman ni Direk Njel de Mesa ng NDMstudios ang ating bayan sa prestihiyosong Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan. Pinarangalan si Direk Njel ng “Best International Film Director” Award sa malaking Nagoya Trade and Industry Center sa Nagoya, Japan. Ang award ay ginawad ng […]