• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘New peace talks’ , uusad na may bago at sariwang framework agreement- Galvez

BAGO at sariwang  usapang pangkapayapaan ang itutulak ngayon  sa ilalim ng administrasyon ni  Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasama ang  National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

 

 

Tiniyak ni  Peace Adviser Carlito Galvez, Jr.  na hindi ito pagpapatuloy ng mga usapang pangkapayapaan na dumaan sa mga nakalipas na administrasyon.

 

 

Ani  Galvez, ang  “fresh set of negotiations” ay naglalayong makalikha gamit ang framework agreement at makabuo ng parametro upang makasulong ang magkabilang partido.

 

 

“Napag-agree-han po namin ay ito pong peace talk po na ito, ay ito ay bago hindi resumption,” ayon kay  Galvez.

 

 

“Itong ginagawa natin na usaping ito, ito ay bago. Kasi, we have learn from the lesson of the past, na nakita natin marami pa tayong tinatawag na serial or tinatawag na mga conditions na we cannot move on the succeeding stages of the negotiation,” aniya pa rin.

 

 

Naniniwala naman ang magkabilang panig na ang bagong framework, na magtatakda ng parametro ng negosasyon ay mahalaga lalo pa’t ito na ang magtatakda ng pinal na  peace agreement.

 

 

Tinukoy din nito ang proseso ng pamahalaan na nakamit sa final peace agreement sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Tinintahan ito noong  2014.

 

 

“Makikita natin may mga stages po tayo, ang first phase po natin ay itong joint statement and then later iyong framework agreement, and then after the framework agreement iyong final peace agreement,” aniya pa rin.

 

 

“Kasi kung ang gagawin natin ay bibigyan natin kaagad ng precondition at saka gagamitin natin po iyong mga nagdaang mga kasunduan ay talaga pong hindi uusad ang usapin pong pangkapayapaan,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, kapwa naman pumayag ang pamahalaan at ang NDFP na ipagpatuloy ang peace talks para tuluyan nang matuldukan ang  decades-old insurgency.

 

 

“The two parties have met informally since 2022 in the Netherlands and Norway for discussions facilitated by the Royal Norwegian Government. They reached a consensus on Nov. 23, 2023,” ayon naman sa  Presidential Communications Office (PCO). (Daris Jose)

Other News
  • PBA finals apektado ng sunog sa Big Dome

    IMBES na sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum ay sa ibang venue lalaruin ang Game Six ng PBA Governors’ Cup Finals sa pagitan ng nagdedepensang Barangay Ginebra at Meralco.     Ito ay matapos pasukin ang venue ng makapal at mabahong usok mula sa sunog sa isang construction site na katabi ng Big Dome kahapon ng […]

  • Wish ni PBBM, koronasyon ni King Charles makapagdadala ng kapayapaan kasaganaan at progreso sa UK, Commonwealth

    WISH ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na ang koronasyon ng Kanyang Kamahalan King Charles III ay nangangahulugan ng kapayapaan at kasaganaan para sa  United Kingdom at Commonwealth.     Si Pangulong Marcos ay kabilang sa mga  heads of states na dumalo sa koronasyon ni King Charles III at Kanyang Kamahalan  Queen Camilla sa Westminster Abbey […]

  • Nag-post ng sweet birthday message: CLAUDINE to GRETCHEN, ‘it was a privilege to be your sister’

    NAG-SHARE si Claudine Barretto sa kanyang IG post ng photos nila ni Gretchen Barretto na nag-celebrate ng birthday few days ago.     Ayon kay Clau, it was a privilege to be Gretchen’s sister.     Sa kanyang sweet message, “To my Ate my advisor, friend & Idol, Happy happy birthday. I thank God first […]