• May 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TANGGAPAN NG IMMIGRATION SA INTRAMUROS, SARADO NG LUNES AT MARTES

SARADO ang punong tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros Manila kahapon (Lunes) at ngayon (Martes) upang bigyang daan ang pagdi-disinfect sa buong gusali kasunod ng biglaang pagtaas ng  kaso ng Covid 19 sa Metro Manila.

 

 

Sa kanilang advisory, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang lahat ng transaksiyon sa kanilang tanggapan ay pansamantalang suspendido sa loob ng dalawang araw kung saan ipinag-utos nito ang “thorough sanitation and disinfection”.

 

 

Sinabihan din ang lahat ng mga opisyal at mga empleyado na manatili sa loob ng kanilang bahay, bagama’t isang skeletal force ng kanilang mga personnel particular sa mga nagtratabaho sa support services at kanilang security.

 

 

Dagdag pa ni Morente na maaari silang pumunta sa kanilang mga tanggapan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kabilang ang BI SM North Satellite Office at BI SM Aura Satellite Office at iba pa.

 

 

Sa mga may online appointment nitong Lunes at Martes ay maaari nilang ipa-reschedule ang kanilang appointments pag nagbukas ang kanilang tanggapan sa Miyerkules o i-check sa kanilang website sa www.immigration.gov.ph  at mga social media accounts para sa iab pang anunsiyo at advisory. (GENE ADSUARA)

Other News
  • BEBOT PATAY, 1 SUGATAN SA LOOB NG MANILA NORTH CEMETERY

    PATAY ang isang 33-anyos na dalaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng Manila North Cemetery habang sugatan din ang kasamahan nito, Martes ng hapon.     Kinilala ang nasawi na si Marivic Quiso y Reyes, alyas Bechay, ng 78 Maria Clara St., Banawe,Quezon City.     Inoobserbahan naman sa Jose Reyes […]

  • Unang batch ng bakunang made in Russia, maaaring dumating sa Abril 12

    INAASAHAN na ang pagdagsa ng mga bakuna laban sa Covid -19 sa bansa ngayong buwan.   Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na maaaring sa darating na Lunes ay dumating na ang kauna- unahang batch ng bakuna na galing ng Russia.   Nauna na kasing sinabi ni Galvez na inaasahan ang […]

  • Panukalang nagdedeklara sa national election day bilang holiday, pasado sa ikalawang pagbasa

    INAPRUBAHAN  ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8187 na nagsusulong na gawing regular non-working holiday ang araw ng halalan upang ma-engganyo ang mas maraming botante na bumoto.     Sa ilalim ng panukala, kabilang sa “national elections” ang plebesito, referendums, people’s initiatives, at special elections.     Samantala, ipinasa din ng kamara sa […]