Next admin, suportado ni Bong Go
- Published on May 12, 2022
- by @peoplesbalita
BILANG nagpapatuloy na senador, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na susuportahan niya ang bagong papasok na administrasyong Bongbong Marcos at Sara Duterte, lalo ang pagpapatuloy ng magagandang programa na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Naunang umapela si Go sa mga Pilipino na itaguyod ang kasagraduhan at igalang ang resulta ng katatapos na halalan.
Naunang hinikayat ni Go ang mga botante na pumili nang matalino upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagsisikap ng administrasyong Duterte na malampasan ang pandemya.
Sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte, tiniyak ni Go sa mga Pilipino na bilang mambabatas, ipagpapatuloy niya ang pagsisikap ng kasalukuyang administrasyon sa pagbibigay ng mas ligtas at komportableng buhay para sa lahat.
“Ako naman po bilang inyong senador, susuportahan ko ‘yung magagandang programa na makakatulong sa mga mahihirap – tulad ng mga nawalan ng trabaho, ‘yung apektado talaga sa pandemyang ito…. Iyon po ang dapat unahing i-address ng incoming administration,” ayon sa senador.
“At ‘yung mga magagandang programa naman tulad ng Build Build Build, tulong sa mga mahihirap, at pati na rin ang Malasakit program… ipagpatuloy n’yo lang. Iyon lang naman ang inaasam namin ni Pangulong Duterte, ipagpatuloy ninyo ‘yung magagandang programa to make life safer and more comfortable para sa mga Pilipino,” iginiit niya.
-
BRP TERESA MAGBANUA, GAGAMITIN SA PAGPAPATROLYA
GAMITIN sa pagpapatrolya ang bagong barko na BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) sa sandaling makabalik ito mula sa Regional Marine Pollution Exercise (Marpolex) 2022 sa Indonesia. Sinabi ni PCG Rear Admiral Bobby Patrimonio, ng PCG Marine Environmental Protection Command, na ang nasabing barko ay gagamitin […]
-
Mga opisyal ng NFA na nasa ilalim ng imbestigasyon, hinikayat na boluntaryong mag-leave of absence
HINIKAYAT ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na iniimbestigahan sa di umano’y hindi tamang pagbebenta ng NFA buffer stock rice sa subsidized price na boluntaryong mag- leave of absence (LOA). Sinabi ni Laurel sa mga kinauukulang opisyal na pahintulutan ang investigating panel ng Department […]
-
QC LGU, NAGDAOS NG SEMINAR PARA SA MGA SENIOR CITIZEN
NAGDAOS ng isang digital seminar ang Local Government Unit ng Quezon City at ang Globe Group na naglalayong makapagbigay ng kaalaman sa mga mamamayan na nasa senior age na, kaugnay sa patuloy na umuunlad at pabago-bagong digital landscape sa bansa sa pamamagitan ng “Teach Me How To Digi” #SeniorDigizen Learning Session.” Ayon kay […]