• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Next fight ni Pacquiao pinaplantsa na!

Pinaplantsa na ang susunod na laban ni eight-division world champion Manny Pacquiao na ina­asahang isisiwalat ng kampo nito ngayong linggo.

 

 

Ayon kay Pacquiao, ilang bagay na lamang ang inaaayos bago ihayag ang pangalan ng makakasagupa nito sa kanyang laban na target idaos sa Abril o Mayo.

 

 

Mahigit isang taon ding hindi nasilayan sa aksyon si Pacquiao na huling su­malang noon pang Hulyo ng 2019 nang itala nito ang split decision win kay Keith Thurman.

 

 

“Ipa-finalize na namin this week. Kapag na-finalize na saka namin ia-announce kung sino ang makakalaban (ko sa next fight),” wika ni Pacquiao.

 

 

Ilan sa mga pina­nga­lanan ni Pacquiao sina International Boxing Fe­deration (IBF) at World Boxing Council (WBC) welterweight king Errol Spence Jr. at reigning World Bo­xing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford sa mga kandidato.

 

 

Kasama rin si WBC interim lightweight champion Ryan Garcia sa mga natukoy matapos itong maglabas ng poster ng dream fight nito kay Pacquiao.

 

 

Klinaro naman ni Pacquiao na sakaling matuloy ang laban kay Garcia, posibleng isang exhibition match lang ito dahil bagito pa ito na halos ka-edad ng kanyang panganay na anak.

 

 

“Nandyan din si (Ryan) Garcia pero parang exhibition lang yan, 22 years old pa lang parang anak ko na yan. Pero ok lang yan parang ako ang professor (niya),” biro pa ni Pacquiao. (REC)

Other News
  • MALLARI: First Filipino Film distributed by Warner Bros. Pictures, Kicks off with a Biggest Mediacon and Fancon

    MENTORQUE Productions makes history through its film and Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry, MALLARI, as the first Filipino movie distributed by Warner Brothers Pictures.     Kicking off its month-long journey towards the December 25 MMFF 2023 release, Mentorque in cooperation with Cleverminds Incorporated, held the biggest and grandest media and fan conference-in-one […]

  • NCR ayuda distribution, pumalo na sa 70.29% – Año

    SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na naipamahagi na ang P7.9 bilyong piso mula sa P11.25 bilyong pisong ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) recipients sa National Capital Region (NCR).   Ani Año, ang naipamahaging ayuda ay may katumbas na 70.29% ng ayuda allocation sa low-income individuals […]

  • Womens’ volleyball team ng bansa nakalasap muli ng pagkatalo sa AVC Cup for Women

    NAKALASAP  muli ang national women’s volleyball team ng bansa laban sa China sa nagpapatuly AVC Cup for Women.     Sa simula ay nakipagsabayan pa ang mga manlalaro ng bansa subalit ginamit ng China ang kanilang tangkad.     Dahil dito ay nakuha ng China ang 25-16, 25-22 at 25-20 na panalo.     Pinangunahan […]