Ngayong nakabalik na sa ‘ASAP’ after two years: SARAH, wala talagang offer kaya matitigil na ang balitang lilipat sa GMA
- Published on July 27, 2022
- by @peoplesbalita
BINIGYAN ng send-off party ng “All-Out Sundays” last July 24, ang Kapuso Balladeer at “The Clash Season 1” alumnus na si Garrett Bolden Jr.
Very proud ang mga kasamahan niya sa show, especially sina Asia’s Balladeer Christian Bautista, Aicelle Santos (na ilang beses na ring nag-perform sa “Miss Saigon,”) with the original cast member din ng stage play, si Bobby Martino.
Sa show, nagpasalamat si Garrett: “I can’t be more excited to share sa inyong lahat. I prayed hard for this. Lord, maraming salamat.
“I will be joining the cast of “Miss Saigon” in Guam. It’s always been a dream of mine to venture into theatre and I know that joining Miss Saigon is one for the book for a singer. I know that I would grow and learn more as I try new things in this career. Thank you for the never ending support mga Kapuso! Lahat ng ito ay para sa inyo.
“I’ll be back soon, but until then, please pray for me. Kasama ko kayo sa journey na ito.”
Garrett will play the role of the American GI stationed in Saigon during the Vietnam War alongside Chris Scott, his best friend. John will be instrumental in the development of Kim and Chris relationship as well as their reunion later.
***
KASALUKUYAN palang nasa Switzerland si Kapuso “Bolera” actress Kylie Padilla.
Nagpunta roon si Kylie para sa shooting ng movie nA “Unravel” for Mavx Productions. Makakatambal niya sa movie si Gerald Anderson at ididirek ni RC delos Reyes.
Maraming netizens ang nagsabing very familiar ang mga places posted by Kylie sa kanyang social media pages.
Tama sila, dahil ang Lake Brienz sa Lucerne, Switzerland, ang location na ginamit sa Korean romantic drama series na “Crash Landing On You,” nina Hyun Bin at Son Ye-jin.
Masayang-masaya si Kylie na after niyang gawin ang GMA Primetime series na “Bolera,” ay nasundan agad ito ng isang movie project naman at kailangan pa niya mag-travel abroad to shoot.
Kaya kahit malayo si Kylie, patuloy siyang nag-iimbitang panoorin ng mga televiewers ang first sports serye ng GMA-7 every night after ng “Lolong.”
***
LAST Monday, July 25, nag-celebrate ng kanyang 34th birthday si Sarah Geronimo, and husband Matteo Guidicelli, greeted her on his Instagram page: “Happy Birthday, my love. I hope you enjoyed your special day today. You deserve all the love and happiness in the world. Seeing you bloom into a lady has been an incredible experience. Proud husband right here! Keep that fire burning.”
Pero last Sunday, July 24, bumalik na si Sarah sa “ASAP” after two years na hindi siya nagpakita roon. Kaya siguro ay mahihinto na ang balita na lilipat siya sa GMA.
Nagsalita na rin si Ms. Lilybeth Rasonable, Vice President for GMA Entertainment” “ang tagal na rin naming nadidinig yan, but no, wala kaming offer for Sarah G.”
Siguro, dahil madalas napapanood ngayon si Sarah at ang mga movies na ginawa niya sa Star Cinema at Viva Films, kaya akala ay lilipat na siya sa GMA. Ilang movies na rin ni Sarah ang naipalabas na sa Kapuso Network, like last Tuesday, July 26, ipinalabas ang “Miss Granny” na katambal sina Xian Lim at James Reid.
(NORA V. CALDERON)
-
Pope Francis idinaing ang pananakit ng tuhod kaya hindi nakasalamuha ang mga tao
NAKARANAS ng pananakit sa tuhod si Pope Francis kaya hindi niya personal na nakasalamuha ang mga tao sa Vatican. Sinabi ng 85-anyos na Santo Papa na sumakit bigla ang kanyang kanang tuhod. Biro pa nito na temporaryo lamang ito at normal itong sakit ng mga may edad na. Kada […]
-
1 month to go: Bagong NBA season aarangkada na, ilang teams tiniyak na babawi
Eksaktong isang buwan mula ngayon, pormal nang magbubukas ang bagong season ng NBA. Kaya naman sa susunod na linggo simula na rin ng puspusang training camps matapos ang pahinga ng mga players at koponan dahil sa NBA offseason. Kasabay ng regular season tip off sa darating na October 19, ay ang […]
-
Ex-NBA star Kevin Garnett, interesadong bilhin ang Minnesota Timberwolves
Pinag-aaralan ngayon ni dating NBA superstar Kevin Garnett ang posibilidad ng pagbili sa franchise ng Minnesota Timberwolves kasama ang grupo ng mga investors. Ito’y matapos na aminin ni Timberwolves owner Glen Taylor na kanya raw pinag-iisipan at sinusuri ang ilang mga opsyon kaugnay sa pagbenta sa kanyang koponan. Sinabi pa ni Taylor na […]