• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ngayong natupad ang dream na maging action star: RURU, inaming gusto rin niyang makapag-direk tulad ng idolong si COCO

FINALE week na ng tagumpay ang ‘Black Rider’, ang action series na pinagbibidahan ni Ruru Madrid sa GMA.
Kaya tinanong namin ang aktor kung ano ang naging epekto sa buhay niya sa success ng ‘Black Rider’.
Sagot ni Ruru, “Siguro nasimulan din po nung ginawa ko yung Lolong before and then ngayon nasundan po agad ng Black Rider.
“Napakasarap po sa puso everytime na may mga magulang na nagse-send po sa akin ng mga videos ng kani-kanilang mga anak na ginagaya ako,” at napangiti si Ruru, “pagdating sa pag-arte, papaano ako manamit, paano ako makipaglaban, iyon yung masasabi kong hinding-hindi mababayaran ng kahit na anong halaga.”
Naging hero nga kasi siya ng marami, lalo na ng mga kabataan, dahil sa ‘Black Rider.’
“Nakatutuwa po kasi siyempre dati pangarap ko lang iyan at dati ako po yung nasa posisyon nila.
“Dati ako yung tumitingala sa mga iniidolo ko at ginagawa nila at ngayon na nandun po ako sa kung saan po yung mga dating iniidolo ko noon napakasarap po sa puso.
“Kasi pinangarap ko po ito eversince bata ako.
“At ngayon para bang… I’m living my dream right now at sobrang grateful po ako sa lahat ng bumubo ng Black Rider dahil ipinagkatiwala po nila itong proyektong ito para sa akin,” sambit pa ni Ruru.
Tinanong naman namin si Ruru kung ano pa ang nais niyang ma-achieve sa career niya.
“Ahm, sabi ko nga parang, I mean eversince bata ako my dream is maging artista, maging isang ganap na action star. Di ba?
“At ngayon na nandito na po ako ano pa po yung susunod kong gusto, ano pa yung papangarapin ko?
“Ang dream ko lang naman talaga is you know, magtagumpay doon sa pinapangarap ko, makamit yung pangarap ko, but at the same time makatulong dun sa mga nangangarap pa.
“Yung mga dating ako, yung mga katulad ko na nagsisimula pa lang nais kong makatulong sa kanila, doon sa mga bagay na puwede po akong makatulong.
“That’s the dream, iyon yung ultimate dream ko. But at the same time siyempre ngayon na nakagawa po ako ng mga action serye hopefully makagawa naman po ako ng isang action film,” ang nakangiting bulalas pa ni Ruru.
Kasama ba sa mga nais pa niyang ma-accomplish ang maging direktor ng sarili niyang serye o pelikula, tulad ng idolo niyang si Coco Martin?
“Yes,” ang natatawang tugon ni Ruru.
“Siguro sa ngayon, kasi siyempre nandiyan pa ang aking tatay direk Rommel Penesa,” pagtukoy ni Ruru sa direktor ng serye.
“Iyan ang talagang nagga-guide sa akin at sa journey namin na magkasama eversince ‘Lolong’, noon pa, lagi ko siyang pinapanood kung papaano siyang magtrabaho, papaano niyang ginagawa yung mga eksena.
“So, somehow natututo ako, and eventually parang, siyempre bukod sa pagdidirek is gusto kong mag-produce ng sarili kong mga proyektong gagawin.
“At ako na rin po ang magdidirek. But you know ayoko pa pong isipin iyan sa ngayon because I just want to focus on everything na pinagkakatiwala po sa akin ng network at kung ano po yung maiaambag ko doon sa mga proyektong iyon.”
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • P5 MILYON IPINAGKALOOB NG LUNGSOD QUEZON SA ‘StartUp’ FINALISTS

    LUNGSOD QUEZON – Ginawaran ng Lungsod Quezon ng P1 milyon kada isa ang limang finalists sa ilalim ng StartUp QC nitong Biyernes, Agosto 11.     Ang inisyatibo ng Lungsod Quezon ay inilunsad noong Oktubre 2022 para suportahan ang mga umiiral na early-stage startups sa pamamagitan ng ibat-ibang training at mentoring sessions, industry exposure at […]

  • Bong Go: POGO isarado kung perhuwisyo

    HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na maingat na balansehin ang perhuwisyo at benepisyo na hatid ng mga Philippine offshore gaming operations (POGOs) sa bansa at tiyakin kung napananatili nito ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pangangalaga sa buhay ng mga tao.     Ani Go, kung pulos kaperhuwisyuhan lamang at wala nang […]

  • GSIS, hinikayat ang mga pensioner na gawing online ang transaksyon sa ahensya

    NANAWAGAN ang Government Service Insurance System (GSIS) sa mga pensiyonado ngayong panahong ng pandemya.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni GSIS VisMin Operations Group Vice President Vilma Fuentes, na layon ng kanilang panawagan na himukin ang lahat ng mga pensyonado na gawing online ang kanilang mga transaksiyon, gaya ng Annual Pensioners Information Revalidation […]