• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P5 MILYON IPINAGKALOOB NG LUNGSOD QUEZON SA ‘StartUp’ FINALISTS

LUNGSOD QUEZON – Ginawaran ng Lungsod Quezon ng P1 milyon kada isa ang limang finalists sa ilalim ng StartUp QC nitong Biyernes, Agosto 11.

 

 

Ang inisyatibo ng Lungsod Quezon ay inilunsad noong Oktubre 2022 para suportahan ang mga umiiral na early-stage startups sa pamamagitan ng ibat-ibang training at mentoring sessions, industry exposure at networking events.

 

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na ang mga pamahalaang lokal ay dapat lumikha ng inclusive environment na nagtataguyod ng paglago at pag-unlad ng lahat ng uri ng negosyo. “Nasa interes ng lahat ng sektor na magkaroon ng lungsod na kung saan ang bawat isa ay may kumpyansa na magtayo ng kanilang negosyo anuman ang kanilang ideya na makakalikha ng trabaho, magtutulak sa ekonomiya sa kanyang pinakatodong potensyal at tulong sa bawat mamamayan na mamuhay na kanilang pinapangarap,” wika ni Mayor Belmonte.

 

 

Ang Lungsod, kasama ng kanyang partners, ay handang maki-collaborate sa mga startups at ipakilala ang kanilang ideya sa merkado. Ang kanilang tagumpay ay babalik sa paglago ng komunidad at lungsod,” dagdag nya.

 

 

Ang mga napagkalooban ng P1 milyon ay ang Bamboo Impact Lab, Eduk Sine Production Corporation, Indigo Artificial Intelligence Research Inc., Itooh Homestyle at Wika.

 

 

Ang mga kumpanyang ito ay tumanggap din ng iba’t ibang business at technical trainings sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology, Department of Trade and Industry, Quezon City University, Ateneo de Manila University, Miriam College, Thames International, Technological Institute of the Philippines at University of the Philippines, at Launchgarage. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Valenzuela PESO humakot ng multiple awards

    NAG-UWI ng multiple awards ang Public Employment Service Office (PESO) – Valenzuela matapos kilalanin ng Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE – NCR) bilang Best Performing PESO sa NCR 2023 sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian.     Nakamit ng PESO-Valenzuela ang tatlong core function awards na Best in Referral and […]

  • Klase sa public schools sa Agosto 29 na

    PORMAL nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) kahapon ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa.     Sa abiso ng DepEd, magbubukas ang klase para sa School Year 2023-2024 sa lahat ng public schools sa Agosto 29, 2023.     Samantala, ipinauubaya naman ng DepEd sa mga pribadong paaralan ang pagtatakda […]

  • Ads August 26, 2020