• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ngayong tapos na ang hit serye nila ni Gabby: SANYA, balik sa pagkanta at nai-record na ang first single

SINA Jerry Sineneng at Dominic Zapata ang mga directors ng upcoming Pinoy adaptation ng Korean drama series na Start-Up.

 

 

This early, may agam-agam na ang mga fans at netizens kung magagawa ba nila ang tulad ng K-drama na napanood na nila.

 

 

Kaya sagot nila, during the mediacon, they are giving their best, mula sa actors, staff, crew and everyone, at naniniwala raw silang magugustuhan ng mga manonood ang ginigawa nila at sana raw panoorin muna bago sila mag-comment.

 

 

“We understand na kapag gumawa ng adaptation, hindi naman ibig sabihin na kokopyahin namin ang original, kasi kung kokopyahin din lamang namin, bakit pa gagawin?  

 

 

“Hindi naman namin paaartihin si Alden (Richards) tulad ni Good Boy Tristan (Nam Joo-hyuk) o si Bea (Alonzo) like Bae Suzy, pero may idinagdag kami na makapagpapasarap ng panlasa sa mga Pinoy.”

 

 

Kumusta naman ang chemistry nina Alden at Bea?

 

 

“Together, they have magic, nabigyan nila ng buhay ang mga characters assigned to them, kaya hindi kami nahirapan building their chemistry, siguro dahil may innate chemistry na sila sa simula pa, that seems to stem from their likable characteristics off-cam.”

 

 

Very soon ay mapapanood na ang Start-Up Philippines na kasama rin sa cast sina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi, Kim Domingo at director-actress, Ms. Gina Alajar.

 

 

***

 

 

MEANWHILE, tuloy na ang upcoming US concert ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards na “ForwARd Alden Richards.”

 

 

Twitter post ni Alden, “moving forward with purpose,” na after ng success ng kanyang “Forward Online Documentary Concert,” ng kanyang @ARfoundationinc time na para naman mapanood ito ng mga kababayan natin abroad, lalo pa at more than two years ding walang nakapag-live concert doon dahil sa Covid-19 pandemic.

 

 

Here is the schedule mula sa NY Entourage Productions, producer ng concert: sa September 3, sa San Mateo, California, Septembeer 4, sa Valley Center, California, September 10, sa Chicago, Illinois at sa September 11, sa Jacksonville, Florida.

 

 

Special guest ni Alden si Sue Ramirez.  Media partner ng concert ang GMA Pinoy TV at sponsors naman ang Megaworld International at Philippine Airlines.

 

 

***

 

 

MASAYA ang grand finale ng First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez last Friday evening.

 

 

During the presidential inauguration ni President Glenn Acosta ay sumakit ang tiyan ni First Lady Melody, kaya isinugod siya sa hospital para isilang niya ang anak nila.

 

 

Boy or girl ba ang isinilang ni First Lady?  Pero bakit tatlong yaya ang kinuha ng mag-asawa, sina Glaiza de Castro, Rabiya Mateo at Carla Abellana?  Ibig bang sabihin, hindi magtatagal at magkakaroon ng season 3 ang serye, dahil ang iniwan nilang salita sa finale: “hanggang sa muling pagkikita!”

 

 

Ngayong tapos na ang serye ni Sanya, for a change, ay babalikan naman niya ang pagkanta.  Nai-record na niya ang kanyang first single, titled “Hot Maria Clara” for GMA Music at iri-release na nila sa July 15.

 

 

Kaya ngayon pa lamang, pwede nang mag-pre-order ng digital copy ng single sa iTunes from July 1 – 14.  Matatandaan na bago naging dramatic actress si Sanya, kumakanta siya noon sa “Walang Tulugan” supershow ni Kuya Germs Moreno, pero ngayong lamang siya nagkaroon ng chance na magkapag-recording, dahil noon ay nagkasunud-sunod ang mga projects niya sa GMA-7.

 

 

Samantala, mapapanood na ang adventure-serye na Lolong ni Ruru Madrid.  ngayong gabi after ng 24 Oras sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pfizer, hindi nag-demand sa Pilipinas ng gagamiting kolateral kapalit ng bibilhing bakuna sa kanila-Galvez

    SINABI ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hindi nag-demand ang Pfizer sa Pilipinas kapalit ng bakuna laban sa covid 19 na ipagbibili nito.   Para kay Galvez, napakabait ng Pfizer sa Pilipinas lalo pa’t nakita naman nila na may tinatawag na legal challenges ang bansa kaya’t hindi nito binago ang alok nito sa Pilipinas. […]

  • LTO: Processing ng drivers’ licenses patuloy pa rin sa gitna ng kakulangan ng plastic cards

    PATULOY pa rin ang pag proseso ng mga drivers’ licenses ng mga bagong aplikante sa gitna na kakulangan ng supply ng plastic cards. Ito ang sinabi ni Land Transportation Office (LTO) assistant secretary at chief Jay Art Tugade matapos niyang ipagutos ang extension ng validity ng mga drivers’ licenses na nag expire noong April 24 […]

  • Mahigit sa 879,000 namatay, naitala para sa taong 2021

    ITINUTURING ng Commission on Population and Development (PopCom) na “deadliest” sa kasaysayan ng Pilipinas ang naitalang 879,000 filipinong namatay noong 2021.     Sinabi ni PopCom executive director,  Undersecretary Juan Antonio Perez III na ang kabuuang 879,429 na namatay na filipino ay batay sa ulat  ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang taon.     […]