NGCP, binawi na ang red alert sa Luzon power grid; yellow alert , nananatiling nakataas
- Published on June 20, 2022
- by @peoplesbalita
BINAWI na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang red alert status na inilagay nito sa Luzon power grid , araw ng Sabado.
Ang pagbawi sa red alert ay nangyari ng alas- 5:30 ng kamakalawa.
Sa isang kalatas na ipinalabas ng Department of Energy (DOE), itinaas ng NGCP ang red alert status dahil sa “generation deficiency” sa Luzon power grid.
Ang alert ay inilagay sa ilalim sa grid area nang ang power supply ay insufficient o hindi sapat para-meet ang demand.
“The Luzon power grid, however, is still under yellow alert status until 11 p.m., ” ayon sa NGCP.
“The raise to yellow alert status means power reserves fall below ideal levels,” anito pa rin.
Sinabi ng national grid operator na “a tripping in the transmission lines in Hermosa, Bataan caused the power interruptions in areas in Luzon and Metro Manila on Saturday.”
Ang insidente ay nagresulta ng automatic load dropping na isinagawa ng Manila Electric Company, kung saan ang suplay ng kuryente ay oinutol sa ilang lugar dahil sa mababang suplay.
“The Hermosa-Limay 230kV Lines 1 and 2 were restored before 3 p.m., ” ang nakasaad sa pinakabagong report ng NGCP. (Daris Jose)
-
Ads November 9, 2022
-
DIREK MARK, tatahi-tahimik lang sa biggest project ng Kapuso Network; na-excite ang netizens sa teaser ng ‘Voltes V(Five) Legacy’
NA–EXCITE agad ang netizens nang biglang maglabas ang GMA Network ng official “Voltes V(Five) Legacy” teaser. Post pa nila sa GMA Facebook: #VoltesVLegacy: Brace yourselves for the Boazanian invasion and LET’S VOLT IN! Tatahi-tahimik lamang si Director Mark Reyes sa pinakamalaking project na mapapanood ngayong 2021 sa Kapuso Network pero nakagawa na pala siya ng […]
-
Pagdanganan papalo sa Women’s PGA
NAKATAKDANG buksan nina rookie Bianca Pagdanganan at veteran Dottie Ardina ang kampanya sa 58th KPMG Women’s Professional Golf Association Championship 2020 sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania kahapon (ngayon sa Pilipinas). Buwena-manong pagtatangka ito sa majors golfng bagitong 22-anyos na taga- Quezon City na si Pagdanganan samantalang ikalawa sa taong ito at […]