‘Ngipin sa pagpatupad ng SIM registration law, susi vs online fraud’
- Published on September 13, 2023
- by @peoplesbalita
ANG Subscriber Identity Module (SIM) registration ay nagtutukoy lamang ng pagkakakilanlan ng may-ari ng SIM cards upang matiyak ang pagtunton sa mga dapat papanagutin kapag ginamit ang mga ito sa paggawa ng cybercrimes.
“And it is only the first step towards an intricate and highly technical approaches which aimed at curbing online scams,” wika ni Atty. Froilan Castelo, ang general counsel ng Globe Group.
Gayunman ay naiuulat na ang talamak na pagsasagawa ng iba’t ibang panloloko at krimen sa online ay sa pamamagitan ng over-the-top (OTT) messaging at SIM cards na inisyu ng international telecom providers na ang operasyon ay hindi umano saklaw ng Republic Act 11934, o ang bagong batas sa SIM registration, at iba pang security protocols na ipinatupad ng mga lokal na telco.
Ang OTT messaging ay tumutukoy sa pagpapadala ng mga mensahe sa internet na hindi na dumaraan sa cellular network channels.
Sa messaging apps na tulad ng Viber, WhatsApp, Telegram, Signal at WeChat ay nakakapagpadala ang subscribers ng text messages, multi-media messages, videos, at photos, at nakakapagsagawa pa ng voice at video calls gamit ang Wifi o internet connection na hindi na kinakailangan ang cellular network.
Ang OTT apps ay nag-o-operate umano sa mas mababang halaga ngunit nananatiling epektibong communication tool, lalo na para sa international messaging at calls, at maaaring magamit kahit walang SIM card number tulad ng Facebook Messenger.
Upang matugunan ang mga salimuot na dulot ng OTT messaging na ginagamit bilang instrumento sa paggawa ng cybercrimes ay sinabi ni Castelo na nakahanda ang Globe na makipagtulungan sa pagsisikap ng pamahalaan na masugpo ang lahat ng uri ng online offenses.
“Criminals will always try to find a way to circumvent the law, the reason why we are in pursuit with other stakeholders to be a step ahead of their schemes,” pagbibigay-diin ni Castelo.
Kasabay ng babala sa publiko laban sa pagbebenta ng registered SIM cards sa ibang tao na isang paglabag sa batas, binigyang-diin ni Castelo ang pangangailangan para sa multi-stakeholder efforts at pinalakas na law enforcement campaign upang tugunan ang hamon na kinakaharap ng kampanya ng pamahalaan laban sa online scams na ang mga biktima ay kadalasan mga hard earner.
Aniya, “we will actively work with the law enforcers in verifying the data on pre-registered sim cards which were confiscated during their operations, and we will readily undertake proactive measures to prevent further commission of cybercrimes.”
-
PBBM umaasa ‘i-reconsider’ ng Court of Appeals ang TRO sa SMC power rate petition
UMAASA si Pangulong Bongbong Marcos na i-reconsider ng Court of Appeals na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) na isuspinde ang implementasyon ng South Premier Power Corp. (SPPC) Power Supply Agreement (PSA) sa Manila Electric Co. (Meralco). Ginawa ng Pangulong Marcos ang pahayag matapos maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Court of […]
-
OCTA suportado ang mungkahing ‘wag gawing requirement ang pagsuot ng face shield sa sinehan
Suportado ng OCTA Research group ang mungkahi na huwag nang gawing requirement ang pagsusuot ng face shields sa loob ng mga sinehan. Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, hindi makakapag-enjoy ang isang tao sa panonood ng pelikula sa loob ng sinehan kung oobligahin ang mga ito na magsuot ng face shield. […]
-
Riding-in-tandem arestado sa pagwawala at pagpalag sa pulis
ARESTADO ang isang rider at angkas niyang bebot matapos magwala at pumalag sa mga pulis makaraang hindi pansinin ang isinagawang Oplan Sita habang sakay sa isang motorsiklo sa Malabon city. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga naaresto na si Christopher Garcia, 40 ng Legarda St. Sampaloc Manila at Melani […]